11

5 0 0
                                    





"Cali, are you okay?" Bumuga ako ng mainit na hangin saka ininda ang hapdi ng sugat galing sa nabasag na plato. "Ano bang ginawa mo bakit mo hinayaan malaglag ang plato?"nag-aalala niyang pinulot ang mga basag.


"Nadulas kasi sa kamay ko." nauutal utal kong sagot habang hindi magawang tignan siya. "Ako na maglilinis dyan, tumabi ka na at mamaya ikaw pa ang masugatan sa ginagawa mo." pagpapalayo ko.


"Ako na ang maglinis, hugasan mo muna ang mga sugat mo at gamutin natin." kinuha niya sa kamay ko ang ilang piraso ng basag na plato at pinulot ang nakakalat sa sahig. "Dyan ka lang, umupo ka at kukuha ako ng pang-gamot." tinabi niya muna ang mga bubog at lumabas.


"Anong nangyari? Bakit may nabasag? Cali?" tinignan ko si Mama na bakas na bakas sa reaksyon ng mukha ang pag-aalala. "Anak," inis siyang lumapit at sinuri ang sugat sa paa ko.


Hinawakan niya pa ang paa ko at tinignan ako ng masama. Papagalitan pa ako.


"Papa, yung first aid nga!" Sigaw niya para marinig siya ni Papa na nasa sala at nakiki-bonding sa pamilya ni Mama. "Cali naman kasi, sana naman mag ingat ka." inis niyang sambit.


"Ma, basa po kasi kamay ko." pagsisinunggaling ko pa. "Kaya ko naman po gamutin tong mga sugat na 'to." nahihiya kong sagot sa kanya.


"Basa kamay? O sadyang kinilig ka kay Lucas kaya mo nabitawan?" inangat ko ang aking tingin kay Mama.


"Ma?"


Anong alam ni Mama.


"Ginagawa mo namang tanga si Mama, anak." pagtawa niya sabay kuha ng tissue at tinapal sa dumudugo kong sugat. "Tanggap ka namin, tanggap din namin kapag may lalaki ka na ng pinakilala sa 'min ng papa mo." tumayo siya at kumuha pa ng maraming tissue.


Tinignan niya ako at ngumiti nang makitang nababalot na ng pagtataka ang aking mukha.


"Ma, si Lucas. . . Kaibigan --- "


"Kaibigan na ano? Bakit hindi mo kayang sabihin ng buo?" lumakas ng bahagya ang tawa niya.


"Kasi Mama." reklamo ko. Nahihiya ako.


"Ano, anak?"


"Mama, kasi ano po. Si Lucas nga po." tinignan ko muna siya bago ko ibaba ang aking tingin. "Nahuhulog na po ako sa kanya. Nahuhulog na ako kahit hindi po pwede." pinikit ko ang aking mata at gusto ko rin munang isara ang aking tenga dahil ayaw kong marinig ang pagtawa at kung ano man ang magiging reaksyon ng Ina ko.


Hindi ako sanay na magsabi sa kanila tungkol sa mga lalaking gusto ko. Ang weird lang kasi sa pakiramdam na mag pakilala ng lalaking hindi naman sure kung sure din ba siya sa akin at sure ang magiging relasyon namin.

End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon