21

3 0 0
                                    





"Talagang hindi mo sinabi sa 'min?"


Naka-krus ang braso ni Angela habang seryoso ang tingin,  lalo na sa 'kin.


"Natakot kasi ako."


"Natakot saan, Cali?" Tumaas ng bahagya ang tono ng boses niya.


"Ante kalma, nasa mall tayo." tinulak niya gamit ang balikat si Lexi na kinakalabit siya para suwayin.


"Magkakaibigan tayo, bakit may nagtatago?" tanong niya na may halong hinanakit.


Tinanggal ko ang hawak sa kamay ni Lucas at hinalo ang straw sa inumin ko.


"Kilala niyo naman na crush ni Sabrina si Lucas, natatakot lang ako sa kung ano ang sasabihin niyo." kinagat ko ang straw at pinanood ang hilamos mukha niyang reaksyon.



"Cali! Do you think we will judge you because of that?" english niyang tanong. "Wala kaming say kung Ikaw ang gusto ni Lucas. Mahal ka niya, then walang problema sa 'min. Ang problema, pinangunahan mo yung magiging comment namin."


Nilingon ko sina Roxie at Lexi na walang balak magsalita dahil kita na nila ang pagsesermon ni Angela.


"Iwan ko ba muna kayo?" bulong sa 'kin ni Lucas.


"Dito ka lang. Marami pa kaming gustong malaman." bumalik paupo si Lucas nang pigilan siya nito. "Cali, kailan mo balak ipaalam 'to kay Sabrina? Hindi rin naman siguro siya masu-surprise tulad namin kapag nakita kayong dalawa sa kung ano ang aabutan namin." ngumisi siya.


"Hindi ko alam. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin kay Sabrina." aaminin ko. Naduduwag ako.


"Ako na lang magsasabi." prisinta ni Lucas.


"Hindi. Ako ang magsasabi." kontra ko sa kanya. "Ako na lang, kaysa ikaw."


"Nagtalo pa, kayo na lang dalawa." sali ni Roxie. "Eme lang, kayo pala yung nag uusap, behave lang kami ni Lexi here."
Binaba niya ang balikat matapos siyang panlakihan ng mata.


Ako ang magsasabi, ayaw kong lamunin siya ng galit kung hindi manggagaling sa 'kin ang katotohanan.


"What if magalit si Sabrina?" concerned ni Lexi. "Hindi sa pag o-overthink, pero aware naman ata si Kuya Lucas na high school crush siya ni Sabrina."


Humawak sa panga si Lucas at nag dalawang isip sa pagtango.


"Magagalit ba siya?"


"Kuya Lucas, hindi naman sa sobrang galit. Magagalit lang kasi 'di sinabi ni Cali --- 'di niyo sinabi ang tungkol sa inyo." paglinaw ni Angela.


"Magagalit ba siya kapag nalaman niyang nahulog ako sa kaibigan niya?" tanong uli ni Lucas.


"Siguro? Matatanggap ko kung magagalit siya, kasi feeling ko I betrayed her." sagot ko sa kanya.


"Betrayed? How?"

"Inagaw kita."


"Hindi mo ako inagaw, Cali. Pinili kita." lumunok ako at parang kinain ko lahat ng mga tinatamin ko sa isipan ko para masagot ang tanong na kinatatakutan ko. "Desisyon natin yun, hindi mo ako nilandi o inakit para makuha ang atensyon ko. Pinili natin, desisyon natin."


Gina-gas light ko ang sarili ko. Sinisisi ko ang sarili ko, kasi pakiramdam ko sa ganong paraan mapapagaan ko ang sitwasyon.


"Good to hear that, Kuya Lucas." sumali uli si Angela. "Hindi kami galit ha, we're just shocked to what we saw andnd please, take care of him. Ayaw namin makitang magsisisi si Cali nang dahil sa'yo."



End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon