23

1 0 0
                                    








"Cheer niyo ako." binaba ni James ang bag sa bench.


Kasalukuyan kaming naka-tambay sa gilid ng field at nanonood sa mga athlete na nag tra-training.


"Kailan ba laro niyo?" tinusok ko ang straw sa butas sa tutok ng takip ng juice na binili sa cafeteria.


"Sa sabado pa.  Alpha naman ang host kaya nood kayo." pag-aya niya habang sinisintas ang sapatos.


"Depende, ah, kung wala kaming gagawin sa sabado." sagot ni Thursday na siyang abala sa pag nguya ng cookies.


"Gago, support niyo naman ako. Kaibigan niyo rin ako, oh." hawak dibdib na pag-arte pa nito.


"Oo na, pupunta na. Akala mo naman siya 'tong magbibigay ng allowance namin pang panood sa sabado." pilosopo kong sagot matapos humigop sa straw.


"May laro rin sila Red."


"So?"


"Loh, bakit ka nag react? Share ko lang yun, e." inirapan ko siya matapos kong sobrang mag react.

"Hindi ba alam ni James na bebe mo si Lucas?" tinapon ni Lexi sa basurahan ang pinagkainan na honey butter.


"Malay ko dyan." kibit balikat kong tugon.


"Kahit 'wag niyo ng sabihin, halata naman." tumabingi ang tingin ko sa naging sagot nito.


"Sabi sa'yo, masyado kang pahalata. Hindi na rin malabo na may alam si Sabrina." conclusion ni Lexi habang tutok pa rin sa pinapanood sa field.


"Pero si Ara? Alam na ba niya?" Tanong ni Karina.


"Hindi na yun sumasama sa 'tin." si Thea.


"Kinausap mo siya 'di ba? Ano raw rason kung bakit hindi na sumasama sa mga lakad natin?" hinila ni Lexi ang balikat ko.


Binaba ko sa tabi ko ang plastic na baso ng juice at hinawakan ang tuhod ko.


"Marami raw siyang ginagawa sa school, pero lagi ko naman nakikita na laging kasama si Aniza." hinawi ko ang buhok sa noo.

"Kita ko rin, sila laging magkasama." sabat ni Karina na pinsan ni Aniza.


"Tanungin mo kaya pinsan mo, malay mo alam niya rin kung bakit parang lumalayo sa 'tin si Ara." suggestion ni Thursday.


"Possible naman na ang rason niya, magastos tayo, eh isang linggo na tayong diretso uwi after class." mapait na sagot ni Lexi.


Hinawakan ko muli ang juice at uminom. Dumako ang tingin ko sa mga basketball player na tumatakbo paikot at hindi ko sinasadyang magtama ang tingin namin ni Red na may ngisi sa labi.


Kumunot ang noo at labi ko sa ngisi niya kaya binalik ko ang aking atensyon sa mga kaibigan kong hanggang ngayon ay iniisip ang dahilan ng paglayo ni Ara.

"Try kong tanungin si Ara." presenta ni Thea.

"Good luck kung sasagutin ka."

"Madali lang naman siyang chikahin, kita mo bukas alam na natin yung dahilan niya." pagpilit nito.


"Chat ko siya later, ayain ko manood ng laro ni James tapos aalamin ko na rin kung bakit lumalayo siya." inangat ko ang kanang kamay na may suot na relo at tinignan ang oras. "Una na pala me, may pupuntahan kami nila Mama." sinuot ko sa balikat ang tote bag at tumayo sa mga bench.


End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon