01

15 0 0
                                    









"I have crush on you."




I stopped writing in my notes when I heard someone confessing her feelings to our classmate.



"My feelings started when we were in grade 7. Ihihinto ko naman dapat yung feelings ko sa'yo when lockdown happened but now. We're classmates again, and my heart starting liking you again." She added.



The guy, stop playing on his phone. Tinignan niya lang ang classmate naming babae na uaamin na gusto siya.



Humawak ako sa dibdib. Ako ang kinakabahan sa kung anuman ang maaring mangyari sa pag-aaminan na ito.


Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa na centro ng aming room sa vacant time. Nahinto na rin sa pagsusulat ang iba pa naming kaklase at tumutok na lamang sa magiging sagot ng lalaki.



"I don't pressure you, ha. I'm just telling you that I like you... Hindi ako naghihintay na gugustuhin mo ako pabalik." muntik na siyang maiyak kahit pinipigilan niya ito.



Aw, how sad.


Pinatong niya lang ang braso nito sa likod ng chair habang titig na titig lang siya sa babaeng nasa harapan niya. Ngumiti lang siya nang walang sinasabi.


Patulo na sana ang luha nito sa takot at kahihiyan pero tumayo na ang lalaki para pantayan siya.


"Iiyak ka?" he asked. "Hindi naman kita pinapaiyak." nanatiling tahimik ang buong classroom.


"Hindi naman ako iiyak dahil sa hindi mo 'ko pinapaiyak, pero umiiyak ako kasi nahihiya na ako sa'yo." Pinunasan niya ang luhang tumulo sa kanyang mata.


Naging emosyonal na rin ang lahat lalo na yung kaibigan niyang nasasaktan for her.


"Bakit ka mahihiya?" tanong niya uli.


"Justin naman e."



Nagkatinginan kami nila Lexi at Ara.


"Ano nga kasi." nang-iinis niyang tanong.


"Kasi umamin ako. Hindi naman dapat ako aamin pero nasasaktan na kasi ako, naawa ako sa sarili ko na walang pag-asa sa'yo." Sa sobrang bilis niyang magsalita nagmukha na siyang nasa fliptop battle.




Buong akala ko, nanay ko lang ang kilala kong nakakapag-rap ng ganyan. Meron na pala, mas mabilis after umamin sa crush.



"Mahihiya ka pero hindi pa naman kita nire-reject." bumukas ang aming mga bibig at pare-parehas kaming nabigla sa banat nito.



Nanatili kaming tulala hanggang sa pumasok sa sistema namin bago sumigaw at nagpalakpakan.



Tuluyang umiyak si Francess na agad nilapitan ni Justin. Huminto nga sa paglapit ang mga kaibigan ni Frances at pinabayaan na lang na makitang niyayakap ito ng lalaking gusto niya. Sana all niyayakap kapag umiiyak.



Kasalukuyan pa rin akong tulala sa labas ng cafeteria habang nginunguya ang turon.


Kailan ko kaya ma-experience 'yon?



"Na-iinggit ako, sana may mag confess din sa 'kin." sabi ni Lexi habang yakap-yakap ang sarili.



"Mag confess na rin kaya ako kay Jasper?" Nabilaukan naman ako sa pagbanggit ni Ara sa crush nito na classmate rin namin. "Gwapo niya pa kanina." pagnanasa niya.



End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon