02

8 1 0
                                    






He accepted my accidentally friend request to him? For real?



I'm still shocked. Until now, nasa tapat ako ng cellphone ko habang tinitignan ang bawat post niya sa Facebook.




Kada post, nakikita ko ang pangalan ni Sabrina laging nag re-react sa mga shared post ni Lucas. As a supportive crush naman pala ang role ni bff.



Lucas Solomon

ALPHA UNIVERSITY HS - SSG PRESIDENT
ABM SOCIETY CHAIRMAN

Friends ✓ | message | ...



Pin post niya pa ang pagiging with high honor last school year. Yung average niya ay ang highest grade ko last school year. So smart naman pala kaya crush na crush ni Sabrina. Kahit sino naman, mahuhulog sa matalino... Gwapo pa siya.



Sabrina : Hi! Gwapo ba ni bebecakes ko?


As usual, random na naman ang pag message niya sa akin.


Cali : Yah, he's good looking.


Bakit ako magsisinunggaling, gwapo naman siya. Muntik ko na nga maging crush, mabuti na lang nasabi sa akin na siya yung crush ni Sabrina.


Sabrina : Super 'di ba, madam???


I just haha react to her reply.


Sabrina : i-uncrush ko na siya e, pero dahil face-to-face na. Nagkita na uli kami, ayun bumabalik ang feelings ko sa kanya.


Marupok nga talaga.


Cali : Kahit sino naman, magiging crush siya. Lakas kaya ng dating ng bebe mo.


Sabrina : So, inaamin mo na naging crush mo siya?


What the hell. Is she serious?



Sabrina : It's fine naman, walang kaso sa 'kin. Marami naman talagang may crush sa kanya, hindi kita masisisi.


Pinagsasabi niya?


Sabrina : Anong karapatan ko magselos e ni-hindi nga ako pinapansin ngayon at para wala lang ako sa kanya.


Ginulo ko ang aking bangs bago nag type.


Cali : Baka nag glow up ka ante kaya 'di ka na ma-remember.


Sabrina : Wala na, umasa na em.


I laughed. Madali nga talagang umasa si Sabrina, my gosh. So rupok, sissy.


Cali : Sanay ka naman ng umasa.



Nag unat-unat ako ng katawan paglabas ko sa counter sa lechonan namin. Dumating na kasi ang ibang empleyado nila Mama at Papa kaya lumabas na ako para hindi na makipagsiksikan pa doon.



Walang pasok ngayon kaya imbes na tumambay ako sa bahay, pinili ko na lang mag stay dito at para mabigyan ako ng pera pang gala this afternoon.


"One order of lechon daw."


"Tatlong kilo raw ng lechon."


"Yung lechong paksiw, nasaan na?"



Pinili kong pumunta sa likod para mapanood ang pagluluto ng lechon pero mas maingay pala dito, para namang hindi ako sanay kung magsabi.


Valid naman, kasi kaka-uwi ko lang at matagal akong hindi maka-uwi dito dahil kila Lolo at Lola nga ako tumira buong junior high school. Minsan, sila Mama at Papa na ang dumadalaw sa akin doon kaysa ako ang dumalaw sa kanila dito.



End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon