09

3 0 0
                                    






Sabrina : Gagi, kasabay ko palang nanonood si Lucas.



Pagbukas na pagbukas ko ng group chat, bumungad na ang kinikilig na chat ni Sabrina.


Sabrina sent a photo.


She took screenshot sa ig and fb story ni Lucas. Kasama ako sa litrato pero tinakpan niya gamit ng music.


He understood the assignment.


Sabrina : Close na close sila.

Natawa ako sa nagseselos na chat ni Sabrina. Kasunod pa non ang angry emoji na parang galit na galit sa kasama ni Lucas.


Roxie : Baka pinsan lang.


Sabrina : Pinsan? Tignan mo kasi yung hawak ni Lucas?!

Zinoom ko ang paghawak ni Lucas sa akin, mahigpit nga ang hawak niya at lapit na lapit ang dibdib ko sa likod ng kanyang braso.


Cali : Issue mo naman, madam.


Chill lang dapat. Hindi pwedeng magmukhang defensive ako lalo na at wala naman silang alam na ako ang kasama ng crush niya.


Sabrina : Selos ako.


Tinawanan namin ang reply niya.

Angela : Akala ko ba iba na crush mo?

Ara : 'Di ba sabi mo crush mo yung classmate niyo?

Nag seen lang siya.


Cali : Tanungin mo nga si Lucas kung sino ang kasama niya?

Paghamon ko. Tinawanan niya lang ang message ko pero maya-maya may sinend siya uling screenshot.


Sabrina : Hi, sino yung kasama mo?


Lumaki ang mata ko ng tinototoo nga niya ang hamon ko.

Roxie : Send mo nga kung matapang ka.

Sabrina : H'wag mo akong subukan.

Angela : Send mo na.

Ara : Dali.


Seryoso ba sila? What if sumagot nga ni Lucas, tapos sabihin niyang ako ang kasama niya? What if hindi niya sabihin pero, kaibigan ko sila Sabrina kaya may chance na sabihin niya.


Sabrina : Ano Cali? Send ko ba?

Lumunok ako bago nag type.

Cali : G!!

I crossed my fingers and pray na 'wag sabihin ni Lucas kung sino man ang kasama nito.

Lexi : Ano meron? Kagigising ko lang.

Sabrina : done na. Br ka na lang, lods.

Nakaramdam ako ng kaba habang naglalakad lakad ako sa loob ng kwarto at inaantay kung mag re-reply man si Lucas.

Lexi : Natulog lang ako, dami niyo na agad pinag-usapan.


Tinupi ko ang kumot sa kama at pinatong sa unan ko. Alas otso ng umaga ng bumaba ako ng kwarto, ngayon ang alis ni Kuya pero lumaki ang mata ko ng maabutan kong nandito pa siya.

"Kuya Kyle, akala ko po ba ngayong umaga ka aalis?" Tumingkayad ako para maabot siya.

"I'm not your Kuya Kyle, Cali."

End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon