10 : Dedmatology 101

451 15 13
                                    


"Ano nga ulit 'yung tawag sa luto na ganto?" Naramdaman kong lumapit sa kusina si Miller habang nagsasandok ako ng late night dinner niya. As usual, nandito na naman ako para mangatulong para sa kanya.



"Chopsuey nga 'yan." Lumayo agad ako, 'yung tipong hindi magdidikit 'yung kahit anong parte ng balat namin. Dapat laging nakalayo ako kahit isang metro sa kanya.



Dahil very wrong 'yung halikan namin nung gabing lasing ako. 



Yun eh kung totoo man 'yung nangyari na 'yon. Baka kasi panaginip ko lang.



Pwedeng guni-guni, kathang-isip, o pagkawala lang ng turnilyo 'yun sa utak ko. Para kasing totoo na hindi, baka likot lang ng imagination ko na nagtukaan nga kami ni Miller.



Ang masaklap pa sa pinakamasaklap, ako ang unang tumuka.



Ilang  linggo ko nang pinapakiramdaman itong si Miller. Hanggang ngayon kasi parehas kaming hindi nago-open ng tungkol doon. Baka nga kasi hindi naman talaga nangyari! 



O kung nangyari man, hindi 'yon big deal sa kanya. Siguro maski siya, diring-diri sa nangyari kaya pinili niyang hindi pag-usapan at dedmahin na lang. Kaya ayaw niyang i-address.



Kaya sumasabay lang ako sa trip niya. Dahil ayoko rin namang pag-usapan!  Ayoko rin na itanong baka lalong lumaki ang ego niya't lalo siyang yumabang! 



Alam ko namang balewala lang 'yung paghalik ko sa kanya eh... kung totoo man 'yon. Hindi ko naman siya first kiss, kung nagkataon. Isa pa, ilang linggo na ang nakakaraan! Move on na, mamsh!



Dedma na lang!



Pero hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na ako 'yung nag-initiate ng halik na 'yon kung sakali. Dahil kinamumuhian ko siya! Bakit ako hahalik sa lalaking walang ginawa kundi pakuluin ang dugo ko?!



Panaginip lang ang lahat!



"I see. This one's too salty." Sabi niya nung pumwesto na siya para kumain. Lately parang nasa good mood si Miller. Hindi niya ako pinapahirapan at hindi kami masyadong nagaaway. Dahil nga hindi ako pumapatol at nakikipag-eye contact!



"Hoy uuwi na ko ha. Alas dose na." Sabi ko sabay sukbit ng bag ko. 



"Wala ka bang dapat sabihin sa akin?" Napahinto ako sa tanong niya. Mukha siyang nag-eenjoy sa pagiging ilang ko sa kanya, pero imposibleng alam niyang naiilang ako! O baka nago-overthink lang rin siguro ako. 

Little Incidents (Flavors of Love #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon