3 : Antipatiko

482 13 5
                                    



"Saan ninyo dadalhin ang anak ko? Bakit siya may posas?!" Sigaw ni Papa sa dalawang pulis na sumundo sa akin sa bahay. 



Hindi ko na inintindi 'yung sinagot nung pulis dahil lutang na lutang na lang ako sa nangyayari. Kasabay non si Mama ko na umiiyak na rin. Marami na ring mga nakapaligid saming mga chismosang kapitbahay na parang nanonood lang ng teleserye. 



"Inosente ang anak ko! Marangal kaming mga tao!" Sigaw ng tatay ko.



"Aray ko, ser. Sasama naman ako, hindi ako tatakas." Napadiin kasi 'yung hawak sa braso ko kasi nga nagwawala na si Papa ko tapos idagdag mo pa 'tong si Mama na kulang na lang humandusay siya sa sahig.



"Sally, susunod kami don. Wag kang mag-alala. Ilalabas ka namin." Hagulgol sa akin ni Mama bago ako makapasok sa police car at mabilis na umandar 'yon. Sa puntong 'to, hindi na ako nanlaban dahil nung isang araw  ko pa tinanggap na makukulong ako. 



Sa kinamalas-malasan ba naman kasi ng taon, si Miller pala ang may-ari nung maruming condo unit na aksidente kong napasok at nilinisan. Sinampahan niya ako ng trespassing at sabi ng pulis dito sa tabi ko, arresto mayor raw ang posibleng ihatol sa akin. 



Dun ako naiyak nang tuluyan sa sinabi nila.



"Nandito na tayo. Dahan-dahan lang ang baba. Wag kang tatakbo ha." Paalala sa akin nung pulis pagkarating namin sa prisinto. Mabilis nila akong pinasok sa kulungan na ako lang ang tao. Tinignan ko 'yung ibang mga nakakulong sa ibang mga selda.



Juskolord. Never ko na-imagine 'yung sarili kong makukulong ng ganito.



"Sandali lang ha. Mamaya ka na lang namin ima-mugshot ha. Pakalma ka muna." Nakangiting sabi nung isang pulis bago niya tuluyang i-lock 'yung selda. 



Napaiyak ako ulit tapos umupo na lang ako sa isang gilid. 



Kalma lang, self. Mamaya nandito na sila Papa at Mama dala 'yung abogadong tutulong sa akin. 



"Pineda, Salvacion y Cruz." Napaangat ako ng tingin sa lalaking bumanggit ng buong pangalan ko. Nung una di ko pa makita 'yung mukha ng tumawag sakin dahil natatakpan 'yon ng folder na hawak niya. Pero nung binaba niya 'yung folder, bigla akong napatayo. 



Si Miller.



Itong abugado na 'to na may pusong bato at walang kasing gaspang ang ugali!


Little Incidents (Flavors of Love #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon