Hindi Matinong Prologue

1.5K 18 8
                                    

STORY TRAILER is attached, you can check it out. Enjoy!

-OOO-


"Ano ba kasing naisip mo't tinapunan mo ng tubig 'yung costumer?" Namumula ang mukha ng kaibigan-slash-boss kong si Merielle. Asawa siya ng may-ari ng steak house na pinagtatrabahuhan ko. 



Nakapamewang siya at nakataas ang mga kilay at alam kong galit na galit na talaga siya.



Kasalukuyang nasa loob ng office ang pinaka-boss namin, at asawa niyang si sir Damian. Kinakausap niya 'yung bastos na costumer na binuhusan ko ng tubig kanina. Hinila naman ako ni Merielle dito sa loob ng stock room para sermunan.



"Bastos nga kasi si lolong costumer eh." Sabi ko habang nagpipigil rin ng inis. "Kung wala lang ako sa trabaho hindi lang tubig sasaboy sa mukha niya. Pati pitsel--"



"Sally, ano ba?" Suway niya sa akin. "Umayos ka nga."



"Pinalampas ko 'yung unang pagpisil niya sa pwet ko, nung pumangalawa na hindi na ako nakapagpigil!" Sigaw ko kay Merielle at mukhang nagulat siya. "Nakita rin ng ibang server natin 'yon, Mer. Bastos si lolo!"



Napailing na lang si Merielle tapos para siyang nagiisip. Sobrang laking gulo kasi 'yung nangyari kanina at alam kong hindi palalampasin ito ni boss Damian. Lalo na't maraming costumer ang nakakita sa ginawa ko, at malamang hindi nila napansin ang pang-mamanyak ng lolo na 'yon!



"Regular costumer natin siya, diba?" Tanong niya sa akin. "I'll handle this. Dito ka lang."



Pero bago pa siya makalabas, bumukas ang pinto sa stock room at inuluwa non ang asawa niyang mukhang galit na rin. 



Nangangamoy goodbye work yata ako ha.


"Sally. In the office. Now." Sabi ni boss Damian at nagkatinginan na lang kami ni Merielle bago ako sumunod sa kanya. Tinapunan ko ng tingin ang ibang mga waiter and waitress na kaibigan ko pagkalabas ko ng stock room. 



Mukhang delikado na nga.



"Take a seat." Sabi ni sir Damian sa akin pagkapasok ko sa office niya. Napansin kong nakaupo sa gilid si lolo costumer na nagpupunas ng mukha at damit gamit ang tissue na binigay sa kanya. Nagkasamaan kami ng tingin.



"I will not have it. I will press charges against you." Sabi sa akin nung matanda habang nakaduro sa akin ang daliri niya. Wow ha? Playing victim? "And against this restaurant."



"Ang kapal." Sumabat ako, dahil hindi ko kaya ang kapal ng mukha niya. "Bakit hindi niyo po kaya rin ikwento 'yung paghawak sa pwet ko nang dalawang beses, sir?" Parang namula ang costumer at hindi na nakapagsalita.



Bibira pa sana ako nang bumukas ulit ang pinto at inuluwa non si Attorney Miller Skye Lim. Siya ang legal advisor at kaibigan ni boss Damian. Palagi siyang nandito para kumain ng tanghalian niya, minsan para asarin ako, pero kadalasan ay para sirain ang araw ko.



Mabilis na kinuwento ni Damian ang nangyaring gusot kanina. Mas lalo akong nainis nung nginitian lang ako ni Miller habang nakikinig siya.


Little Incidents (Flavors of Love #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon