14 : Rebooted

360 16 7
                                    



"Hay, gaga ka talagang haliparot ka." Sabi ko sa sarili ko. Kanina pa ako wala sa ulirat kasi.



"Anong sabi mo sakin?" Nawala ako sa concentration ko sa pagpupunas ng mga utensils nung nagsalita bigla si Lyka. "Ano bang problema mo, ha?"



"Hindi ikaw 'yung kausap ko, bakla. Sorry." Nag-peace sign na lang ako sa kanya. "Pinapagalitan ko lang naman ang sarili ko sa kagagahan ko kagabi." Ang bibig ko talaga, matabil na masyado pang mabilis.



"Bakit? Anyare?"



"Wala."



Siyempre, ako nag-train kay Lyka sa pagiging usisera kaya naman hindi siya agad naniwala. "Hoy, Sally! Magkwento ka! Ano 'yon?"



Napalingon ako sa ibang staff ng steak house na busy mag-prepare sa pagbubukas ng restaurant. "May ginawa akong dapat hindi ko gawin, okay? Something bawal."



"Something bawal..." Napaisip siya bigla hanggang sa nanlaki ang mata niya. "Something deadly ba 'yan? Something forbidden?"



"Hindi. Pero pwede." Napakamot ako sa inis. "Well, slight."



"Bagay ba 'to? Hayop? Tao?"



Napairap ako. Walang point ang aminin sa kanya, or magkwento. Kasi hindi na dapat i-share 'yung mga ganong klase ng kamalian! "Ah, basta!"



 Tinuon ko na lang sa pagpapa-cute sa mga costumers ang lahat. Naging busy rin akong makipag-compete sa mga kasamahan ko ng palakihan ng tip, kahit centralized naman 'yon. Wala ang mga boss namin pero humalili ang tatay ni Merielle na si Papsi para mag-supervise sa store.



Nung medyo humupa 'yung dami ng tao, nag-cellphone muna ako para i-check at reply-an 'yung mga suki ko sa bra't panty. Maraming nag-i-inquire ng mga presyo ng design ng mga two piece swimsuit. Siguro maraming magda-dagat this month.



Naalala ko 'yung pinagusapan namin nila Merielle at Meilin nung nakaraan. 



"Ay, bakla. Anniversary na pala ng steak house next weekend ano? Alam niyo ba ang chika?" Bubwelo na sana ako ng chismis sa mga kasamahan ko nung nagsikumpulan sila sa counter table. Ang gagaling talaga nila sa chismis! Very well-trained ko eh!



"Anong meron?"


Little Incidents (Flavors of Love #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon