"HINDI KA PA UUWI?" Tanong ko kay Lyka pagkalabas ko ng staff room pagkatapos naming magasikasong magsara ng steak house. "Power OT ka na naman?"
Pinakitaan niya ako ng bluebook na laman ang daily sales report ng restaurant. "Darating si Boss Damian bukas, so kailangan ma-present ko ang Weekly Report natin." Sabi niya habang busy magsulat at magbilang ng mga pumasok na pera ngayong araw.
Tinabihan siya ng supervisor naming si Jeremy na nakasimangot sa laptop. Kung ako ang na-promote, malamang ako ang katabi ni Lyka na magasikaso ng mga reports sa steak house.
Buti na lang may ibang plano sa akin si Lord!
"Okay, ingat kayo. Una na ako!" Paalam ko sa kanila bago ko binuhat ang malaking eco bag na dala ko. Laman nito ang mga bagong design na bra at kung anik-anik na binebenta ko.
"Ingat sa pang-uuto sa customers, Sally! Gabi na baka manuno ka." Pang aasar sa akin ni Jeremy bago pa ako makalabas ng store.
"Che!" Pahabol kong sabi. Patawid na ako sa kabilang parte ng kalsada nang makita ko ang sasakyang pula ni... nino pa ba?
Nilapitan ko kaagad ang sasakyan niya at pinagbuksan niya ako ng pinto. "Hi, pogi. Ang sipag mo namang magsundo sa akin." Bati ko kay Miller pagkapasok ko ng kotse.
Sasanayin niya ba ko sa ganito? Tatlong araw na niya akong sinusundo, eh!
"Galing lang ako ng office." Tatlong araw na rin niyang dahilan 'yan! Ngumiti na lang ako sa kanya pagkatapos magsuot ng seatbelt. "Ilang araw mo nang dala 'yang bag na 'yan." Puna niya sa eco bag na dala ko.
"Wala kasing um-order ng mga bra today, kaya ayan, ang dami pa rin." Sagot ko sa kanya. "Ikaw? Kamusta ang work?"
Sa malalim na hininga pa lang niya gets ko na agad na sobrang pagod siya today. Siguro sobrang nakaka-stress hawakan ang kaso ng dati kong kaibigan...
Napailing ako sa konsensya kong bumubulong. Wag nating ipahalata, self! Patay malisya lang!
"Nagugutom na ko." Reklamo niya nang magumpisa na siyang mag-drive. "Saan mo gustong kumain?"
"Sa condo mo. Paglutuan na lang kita." Sabi ko sabay kindat. Tapos hindi ko napigilan ang sarili kong pisilin at himasin ang braso niya. Para naman ma-relax siya kahit papaano. "Pagod much?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Little Incidents (Flavors of Love #3)
Roman d'amourSa umaga, serbidora. Sa gabi siya'y lukaret na raketera. Lumaking all-around hustler si Salvacion 'Sally' Pineda at pinapasok ang kung anu-anong diskarte sa ngalan ng kwarta. Siya ay bungangera, pakielamera, at chismosa by nature na palaging naghaha...