THREE MONTHS LATER
"Boyfriend ko 'yan!" Pakanta kong sabi sa mga customers ng steak house habang naglalampaso ako. Maaga kasing binuksan ng supervisor namin ang TV ng restaurant para sa mga parokyano naming nag-aalmusal dito palagi.
"Palabiro ka talaga, ineng." Sabi ng isang matandang lalaki na palaging kaasaran ko. "Kung sa bagay, maraming nagkakagusto sa ganyang klaseng lalaki."
Pinamewayan ko siya at tinuro ang mukha ni Miller na naka-flash sa screen. "Boyfriend ko naman talaga ho 'yan, hindi lang kami ganoon halata."
Natawa nang malakas ang ibang costumer na nanonood rin. "Libre ang mangarap, Miss. Dreamy naman talaga ang mga Commonwealth Lawyers na 'yan eh. Sikat sila sa social media!" Sabi ng isang babaeng costumer sa kabilang table.
"Excuse me, hindi ako nangangarap. Talagang jowa ko si Miller!" Tinawanan lang nila ako.
Laman si Miller at ang team niya sa mga balita nang maipanalo nila ang kasong rape and homicide na hinabla ng nanay ni Trina laban sa anak ni Nueva Ecija ex-governor na si Vince. At dahil sobrang talk of the town ang issue hanggang ngayon, maraming nakaagaw ng pansin sa tandem nina Attorney Ace at Miller.
Hindi naman televised ang court trial pero since matutunog ang mga taong dawit sa kaso, hindi maiiwasang kumalat at makarating na nga sa media ang lahat.
Ang galing naman kasing lumusot ng abugado ni Vince Soliman. Pero mas magaling si Miller, dahil nateteknikal niya ang sarili niyang step-father. Kung maraming palusot si Vince, binutas siya ng binutas nila Miller pagdating sa mga detailed questioning at mga ebidensya.
"Hay naku, Sally. Ayan ka na naman at nakikipagtalo ka sa mga parokyano natin." Napapailing na lang si Jeremy sa akin habang nagtatawanan sa isang sulok sina Lyka, Paul, at iba pang kasamahan naming waitress. "Ilang buwan mo nang pinaglalaban 'yan."
Lumapit na lang ako sa kumpulan sa counter table. "At bakit hindi? Proud girlfriend here." Sabi ko habang kumakaway pa. Alam naman ng mga kasamahan ko dito ang real score sa amin ni Miller, dahil dinaldal ko na sa kanila matagal na.
"Mahal ka ba?" Pangaasar ni Paul sa akin.
"Ay, grabe! Sally oh! Si Paul may issue." Panggagatong naman ni Lyka. "Porke hindi ba nagpapakita si Attorney kay Sally, hindi na siya mahal?"
"Che," inismiran ko na lang si Paul. "Saka niyo ako asarin ng ganyan kapag nagpunta siya dito mamaya ha. Tignan ko 'yang mga pang-iimbyerna ninyo."
"Baka pumunta." Hirit pa ni Paul kaya binatukan ko na siya sa inis ko. "Aray! Eto naman, hindi na marunong tumanggap ng biro."
"Umalis-alis ka sa harap ko bago pa magdilim ang paningin ko, Paul."
"Sus. Bitter ka lang. Ang sabihin mo, hindi ka na kinikibo ni Attorney kasi nakuha na niya ang gusto niya sayo--aray!" This time, itong si Lyka naman ang humampas sa braso ni Paul.
BINABASA MO ANG
Little Incidents (Flavors of Love #3)
RomansaSa umaga, serbidora. Sa gabi siya'y lukaret na raketera. Lumaking all-around hustler si Salvacion 'Sally' Pineda at pinapasok ang kung anu-anong diskarte sa ngalan ng kwarta. Siya ay bungangera, pakielamera, at chismosa by nature na palaging naghaha...