"Table four, two tenderloin steak with rice and two regular drinks." Nilingon ko kaagad 'yung order na kakaluto pa lang at hawak-hawak ni Lyka.
"Ako na dyan." Kinuha ko agad 'yung dalawang tray at saka ako rumampa para i-serve 'yon sa table four. "Table four po, here's your order."
Ngiti palagi at maging super friendly. Ayan ang formula ng malaking tip sa costumer!
"Thank you, Miss." Sabi nung babae tapos nginitian niya na rin ako. "Pwedeng pa-picturan kami?"
"Keri lang, Ma'am! No problem!" Nagbida-bida akong magpipipindot sa phone nung costumer bago ako lumayo para magpakitang gilas pa.
Pagkabalik ko sa steak house kahapon, nag-announce si Boss Damian na may balak siyang i-promote na staff para maging junior supervisor ng restaurant.
Mas busy na kasi silang mag-asawa at kailangan nilang tutukan hindi lang itong main branch, kundi ang anim pang ibang branches dito sa Pilipinas.
Kaya naman, kailangan ni Merielle at Boss Damian ng pwedeng mai-promote sa amin para maging supervisor at semi-manager na rin. Pero isa lang ang alam ko, ako ang hinahanap nila at alam kong tataas ang sahod ko doon!
"Pabibo yan?" Sabi sakin ni Jeremy pagkadaan ko sa counter. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagma-mop. Natawa naman si Lyka na busy sa cash register.
Well, pagkatapos nung announcement ni boss kasi, sobrang naging palaban na rin itong mga kasamahan ko. Game face on at mga competition mode na kaming lahat. Sino ba naman ang ayaw ng promotion at dagdag sahod?
"May the best pabida win." Sagot ko sa kanila tapos nag-posing pa ako konti for effect. Tumunog ang pinto ng store at sabay sabay kaming nagsilingon sa pumasok.
"Welcome to the Pink Steak House!" Sabay-sabay naming bati sa costumer. Mabilis nagsilapitan 'yung mga kasamahan ko kay Merielle dala ang baby Daniella nila ni boss Damian.
"Hello baby ganda, manang-mana ka talaga kay Tita Sally!" Hindi mo makurot-kurot si baby sa pisngi dahil mop ang hinawakan ko kanina.
"Ako naman ngayon ang may announcement." Nakangiting sabi ni Merielle pagkalapit niya sa amin sa counter. "Sally, pasuyo naman ng cards sa bag."
Kinuha ko 'yung mga invitation cards ni baby Daniella sa bag tapos nagtatatalon ako sa tuwa.

BINABASA MO ANG
Little Incidents (Flavors of Love #3)
Roman d'amourSa umaga, serbidora. Sa gabi siya'y lukaret na raketera. Lumaking all-around hustler si Salvacion 'Sally' Pineda at pinapasok ang kung anu-anong diskarte sa ngalan ng kwarta. Siya ay bungangera, pakielamera, at chismosa by nature na palaging naghaha...