Hindi ako makapaniwala sa nadatnan ko pagpasok ng church.
"Hala, ang pogi mo Baby Airén!" Napatakbo ako papalapit sa kulot na tisoy na bata na naglalakad sa loob ng church.
Mukhang natakot sa akin 'yung bata kaya huminto siya nung lumapit ako. Tapos nagtago sa likod ng mommy niya. Si Meilin.
"Baklaaa!" Sigaw ko kay Meilin, ang matagal ko nang hindi nakikitang kaibigan namin ni Merielle. Dati siyang nagtrabaho sa steak house as part time. Niyakap ko agad siya. "Ang bango mo ha! Ganyan ba talaga pag amoy England?"
Natawa siya. "You're still funny, Sally!" Napansin kong mas lalo siyang nag-glow bago niyang kulay na buhok. "It's been long time! Na-miss ko kayo!"
Ang tagal yata naming nagyakapan at nagamuyan. "Kayo lang ni chikiting? Asaan ang asawa mong spokening dollar-pounds?"
Natawa siya sa sinabi ko sabay turo sa direksyon ni Damian na hawak-hawak si baby Dani at kausap 'yung lalaking kulot na matangkad. Si Cameron.
"Hay nako!" Napairap ako. "Nandito na naman kayong mga powerhouse couples."
"Sally," Nilingon ko si Merielle na sobrang ganda sa dilaw niyang suot na dress. "Na-traffic ka ba? Buti na lang wala pa 'yung pari kaya hindi pa nag-umpisa."
"Hay nako, kung alam niyo lang ang struggle ko today." Napabuga ako ng malalim na hininga dahil naaalala ko na naman 'yung pang-iinis ni Miller ngayong umaga.
Sumabay pa kasi siya sa prep ko ngayong binyag! Imbis na smooth ang make up and hairstyle session ko, na-haggard akong bigla sa utos niyang makipagkita sa akin dahil may mga ibibilin raw siya.
Ang ending tuloy, hindi ako komportable masyado sa pakulot kong hair at mabilisang make-up.
'Yung unggoy na 'yon ang galing talaga niyang tumayming, eh!
Naputol ang chikahan namin nung may pari na bumati sa harapan ng altar at tinawag na sila Damian at Merielle para umpisahan 'yung binyag.
Deretso ako agad sa upuan ng mga ninong at ninang. Tumabi ako sa steak house girls na naka-pink rin.
Nakangisi si Lyka nung inabutan niya ako ng kandila. May nginunguso siya sa bandang likod na upuan. Hindi ko siya pinansin.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Lillian.
"Later ko ichi-chismis." Sabi ko habang nagpapanggap na nakikinig sa nagsasalitang pari.
"Bakit sabay kayong dumating ni Attorney, ha?" Pangungulit ni Lyka at hindi talaga siya tumitigil sa pagsensyas sa may bandang likuran.
"Aba malay ko!" Pagde-deny ko. Unti-unti ko nang nare-realize na nakakairita pala ang ugali kong usisera, dahil ngayong ako na 'yung inuusisa eh hindi ako natutuwa.
Wala naman kasing issue sa pagsabay ko kay Miller papunta dito sa simbahan. Hindi rin naman planado 'yun dahil kanina ko lang nalaman na Ninong rin pala siya at dadalo siya bago siya mag-out of town!
Hindi ko na lang sinabi dahil sobrang nagmana na sa akin itong si Lyka sa chismisan. Pakiramdam ko tuloy para akong naluluto sa sariling mantika.
"In fairness ha, pinanindigan talaga ni Merielle at Damian 'yung bente-bente na ninong at ninang." Comment ni Lillian.
Buti nalihis na 'yung usapan. "Syempre ganyan talaga kapag mindset ng business people. Marami na agad connections si baby Dani kahit maliit pa lang. Ganyan rin gagawin ko in the future." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Little Incidents (Flavors of Love #3)
RomansaSa umaga, serbidora. Sa gabi siya'y lukaret na raketera. Lumaking all-around hustler si Salvacion 'Sally' Pineda at pinapasok ang kung anu-anong diskarte sa ngalan ng kwarta. Siya ay bungangera, pakielamera, at chismosa by nature na palaging naghaha...