33 : The Final Verdict

530 16 10
                                    


FIVE MONTHS LATER


"Oh? Anak? Ang aga mo namang gumayak sa trabaho?" Bungad sa akin ni Pudangs pagkababa ko ng hagdan at napansin niyang nakasuot na agad ako ng pangtrabaho ko. 


"Maaga magbubukas ang store ngayon, eh." Sagot ko sabay kuha ng tasa ng kape na hawak ni Papa. Nakiinom ako ng konti bago ako sumalampak sa sofa para magsapatos. Napansin kong wala na sa bahay si Mama at ang kapatid ko. "Sabi ko kasi kay Junnie, gisingin niya ako kapag aalis na siya."


Bago mag eight o'clock dapat nasa restaurant na ako, at para mangyari 'yon dapat seven thirty pa lang nasa byahe na ako. Pero dahil hindi ako nagising ng kapatid ko, ngayon pa lang ako aalis!


"Aba't maaga pa naman. Nakatulog ka ba nang maayos? Tignan mo 'yang mata mo, namumugto kakapuyat mo. Natutulog ka pa ba, Salvacion?" 


Napahawak ako sa dalawang eyebags na ilang buwan ko nang pinagpapaguran. "Natutulog naman ako, Pa."


"Eh bakit ganyan ang mga mata mo? Para kang umiiyak gabi-gabi ha."


Natigilan ako sa pagsuot ng itim na medyas at naalala ko na naman 'yung mukha ng matsing na 'yon. Tama ang hula ng tatay ko, umiiyak ako kapag naaalala ko si Miller.


At gabi-gabi ko siya naaalala!


Limang buwan na ang nakalipas mula nang makipag-break ako sa kanya. 


Tamang desisyon ko 'yon para sa sarili ko. Hindi dapat tayo manatili sa mga taong hindi pa handang makipagrelasyon ulit. Kasi kung pipilitin ko, masasaktan ko lang ang sarili ko. At baka dumating sa point na pati siya masaktan at mahirapan rin dahil sa hinidi pa nga siya ready.


Sa case namin ni Miller, ramdam kong gusto niya, pero hindi pa siya nakakalimot sa ex dahil galit pa siya.


Limang buwan nang hindi kami naguusap o nagkikita. Dalawa o tatlong beses na akong binisita ng Mommy niya sa steak house para kamustahin kami pero hindi ko masabing hiwalay na kami. Tumigil na siyang kumain doon kapag lunch. Si Attorney Ace na lang ang madalas nakikita kong kausap ni Boss Damian sa office ng restaurant.


Talagang nilayo niya ang sarili niya.


Wala siyang paramdam. 'Yung pinapantasya kong eksena na ilang linggo kakatok na lang siya sa bahay para suyuin ako? Nganga. 'Yung mga mala-TV lovestories na isang araw magkakasalubong na lang kami at magkakaroon ulit ng second chance? Nganga.


Mouth open-open. Wala. Nganga.


At gets ko kung bakit wala siyang ginawa matapos kong makipag-break. Dahil alam niyang tama ako at tama ang desisyon na 'yon. Kung may nararamdaman man si Miller sa akin nung time na 'yon, attraction at hindi love 'yon. Hindi kasinglakas at kasing-tindi ng nararamdaman ko.


Alam naming dalawa na matatanda na kami para sa mas mature na desisyon na ganon.


"Alis na ako, Pa." Paalam ko bago ako naglakad nang mabilis papalabas ng bahay. 


"Ingat ka ha."


Power takbo na ang eksena nang makalabas ako ng compound para makasakay kaagad ng jeep. Hindi naman ako nahirapan dahil nakipagsiksikan ako hangga't maaari para lang makaupo. Nilaban ko ang fifteen pesos kong pamasahe para makapwesto!


Patakbo kong pinasok ang loob ng steak house at nadatnan ang mga kasamahan kong busy na kaagad maglinis. "Hoy, late! Ikaw magtapon ng mga basura today ha." Bungad sa akin ni Lyka pagkapasok ko. 


Little Incidents (Flavors of Love #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon