MILLER SKYE's POV
My throbbing head couldn't make out the words Ace was saying when we went out of the conference room. It was two hours of me trying to get my point across the whole team.
Hindi nila maintindihan na kailangang mas trabahuhin namin ang mga ebidensya, kahit na maliliit na detalye, basta makakadagdag ng koneksyon ni Soliman kay Trina.
Nakukulangan pa rin ako sa mga ebidensyang meron kami na tumuturo kay Soliman sa pagiging guilty niya sa paghalay at pagpatay sa girlfriend niya.
"You're on fire today, Attorney Lim." I glared at the playful lawyer, Ace. "Naiintindihan kitang gusto mong bilisan ang kilos ng lahat, believe me, Miller. I am on your side, but take it easy brother. Tinataranta mo kaming lahat eh."
"The judge may immediately dismiss the case if the evidence on record clearly fails to establish probable cause." Paliwanag ko sa kanya habang nakatingin sa relo. "As of nine thirty-two tonight, wala pa rin tayong matibay na ebidensyang maihaharap."
Pagkatapos kong makatanggap ng threat nung nakaraan, pansin ng lahat sa firm ang pagiging pursigido kong mapabilis at mapapino ang paglalakad ng kaso ng anak ni Mrs. Calderazo. Lalo akong ginanahang manalo, lalo na't nabanggit ng anonymous caller si Sally.
Ibig sabihin, kailangan ko pang mas galingan at mas seryosohin ang lahat ng ito para manalo sa korte.
"Alright, I will stay behind with the others." Sabi niya nang pigilan niya ako sa paglalakad. "You go get your good night sleep, ilang gabi ka nang parang walang tulog."
"Do you have any updates about Trina's digital camera? Sana may makuha tayong mga lumang pictures na kasama ni Soliman si Trina nine years ago." Remembering Mrs. Calderazo's statement, mahilig raw kumuha ng litrato ang anak niya. Trina made that camera her diary, that's what she said.
Iyon na lang ang natitirang baraha namin bukod sa mga taong tetestigo sa trial.
"Wala pa akong update. But I will buzz you once something's up." Tinapik niya ako nang malakas sa likod. "Jesus, brother, have some rest. We want you back in good shape tomorrow morning."
I nodded as I stifle a yawn. I barely slept last night. Pagkatapos kong ihatid si Sally pauwi at ma-interrogate ako ng pamilya niya, hindi na ako nakatulog nang maayos kaya nagtrabaho na lang ako hanggang kinaumagahan.
Blame Sally and her naughty, teasing, good night texts.
I got in my car as soon as I reached the parking lot. Kailangan kong sunduin si Sally. Dahil lalong hindi ako mapapakali kung hahayaan ko lang siyang mag-isang umuwi ng ganitong oras.
Delikado na ngayon na may mga natatanggap akong threats.
"Hi, pogi!" Sally's voice permeated in the car. Still in her pink waitress uniform, Sally smiled down at me. I pulled my car window down to see her face better. "Kanina ka pa naghihintay? Sorry natagalan ako. Nag-design kami ng store eh!"
Tinuro niya ang Halloween design ng steak house. Halatang excited na naman siya sa sobrang babaw na dahilan. "Get in, nagugutom na ako."
I watched as she moved quickly and helped herself to get inside the car fast. "May pagkain ako dito!" May kinuha siyang tatlong food containers sa loob ng malaki niyang bag. "Anong gusto mo? Light meal, heavy meal, healthy meal, or me?"
BINABASA MO ANG
Little Incidents (Flavors of Love #3)
Roman d'amourSa umaga, serbidora. Sa gabi siya'y lukaret na raketera. Lumaking all-around hustler si Salvacion 'Sally' Pineda at pinapasok ang kung anu-anong diskarte sa ngalan ng kwarta. Siya ay bungangera, pakielamera, at chismosa by nature na palaging naghaha...