"I'm officially missing you~"
Parang concert sa loob ng van dahil sa bardagulan-slash-kantahan namin habang byahe papuntang Batangas.
Alas kwatro pa lang ng madaling araw umalis na kami from Manila, at lahat ng staff sa steak house main branch nagsama-sama sa malaking van. Gaya ng nakagawian kapag company outing.
Ang ganap pala today, lahat ng staff sa bawat branch ng steak house magkikita-kita ngayong naka-apat na taon na ang Pink Steak House. Surprise pala sa amin nila sir Damian at Merielle 'yon. Pero bilang chismosa nga ako, nung nadulas ang dila ni Merielle nung nakaraan, napagtagpi-tagpi ko 'yung mga eksena.
At tama ako sa hinala ko!
Syempre, nai-share ko na 'yung hot chika sa buong Team Manila, dahil pakiramdam ko magkakaroon kami ng mini-games na may prizes. Feeling ko lang ha, pero pinaghanda ko na rin ang mga kasamahan ko para game na game kami kung sakaling may pa-prize si sir Damian.
Mas okay nang ready!
"Hindi ako ready sa meet and greet party ng steak house family nationwide!" Sabi ni Lillian habang nakadantay sa balikat niya 'yung jowa niyang chef taga-grill department na si Marco. "Excited na ako!"
"Two days nga lang tayo this year eh." Sabi naman ni Lyka. "Aray, Sally! 'Yung buhok ko naiipit mo."
Bigla niyang tinanggal 'yung nakadantay kong ulo sa balikat niya. "Nakakainggit 'yung PDA nila oh, tayo lang walang love life dito kaya makiayon ka!" Sabi ko kay Lyka.
"Nangangalay na ako eh, doon ka na lang sa balikat ni Paul." Sagot niya sa akin sabay tulak sa ulo ko palayo.
Natawa lang 'yung lahat ng crew sa loob ng van nung tinukso kaming dalawa ni Paul na walang kamalay-malay dahil tulog.
"Excuse me, hindi ko bet ang bagets." Pangsosopla ko sa kanila dahil twenty three lang itong si Paul at parang kapatid ko na siya. Matagal na rin nila kasi akong tinutukso-tukso dito. Hindi naman kasi maiiwasan sa trabaho ang loveteam kemener na 'yan.
Nagbardagulan pa kami sa loob lalo nung may umutot tapos walang umamin kung sino. Nakakaloka kasi kaninang nasa stop over kami sa gas station hindi na lang umutot o magbawas 'yung suspek, talagang saktong bumabyahe na kami at malapit na kami sa resort.
Nagbukasan lahat ng bintana sa van sa nakakasulasok na amoy ng bulok na boiled egg na tumatambay sa ilong.
BINABASA MO ANG
Little Incidents (Flavors of Love #3)
RomanceSa umaga, serbidora. Sa gabi siya'y lukaret na raketera. Lumaking all-around hustler si Salvacion 'Sally' Pineda at pinapasok ang kung anu-anong diskarte sa ngalan ng kwarta. Siya ay bungangera, pakielamera, at chismosa by nature na palaging naghaha...