21 : Distract Me

367 10 3
                                    

NINE YEARS AGO

"This year's Miss Napintas is none other than..." Singlakas ng sound effects ng drums ang kalabog ng puso ko. Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Trina. Ang highschool classmate ko noon at kalaban ko ngayon sa Miss Napintas.



"Basta bes, happy ako kapag nanalo ka." Bulong sa akin ni Trina habang nagwawala ang lahat sa audience at kinakain ako ng kaba ko.



"Ano ka ba, alam kong ikaw ang panalo, 'no!" 



Totoo namang siya na ang panalo. Bukod sa ang galing niya sa talent portion kanina, pasabog rin 'yung sagot niya sa Q and A. Malakas lang talaga ang appeal at makapal lang ang mukha ko kaya ako ang nakatapatan niya sa huli.



Pero syempre, kahit na expected kong ligwak ako sa korona... sana ibigay ng judges sa akin ito since birthday ko naman bukas!



"Magpa-cake ka na lang sa akin kapag nanalo ka ha." Biro ko kay Trina.



"It's Candidate number 14! Miss Trina Calderazo!"



Naghiyawan lahat sa audience at gumulo ang buong San Matias sa announcement. Napatalon ako sa tuwa and at the same time, naiyak ako kasi talo ako. Goodbye, ten thousand pesos.



"SAMA KA SA party namin ha." Sabi ni Trina pagkatapos ng ng pageant. Tinulungan niya pa nga akong magbuhat ng mga gowns at costumes na sinuot ko ngayong gabi. "Gusto mo isabay ka na namin ni Vince?" Tanong niya.



"Sure!" Patakbo naming nilapitan 'yung boyfriend ni Trina na si Vince. Yayamanin masyado itong jowa niya dahil anak ng governor. "Ang bongga mo talaga, Trina. Miss Napintas ka na, Miss Maswerte ka pa!" Sigaw ko.



Natawa 'yung jowa niyang naninigarilyo. "Eh ikaw ba? Miss ano ka?"



"Miss-tulang talunan ng taon." Sagot ko at lalo lang silang tumawa. "Saan ba ang party ninyo, ha? Kailangan ko pang magpaalam kay Papa." Pero hindi talaga ako surte kung papayagan ako. Kaka-eighteen ko pa lang, at hindi pa ako ganap na malaya sa puder nila.



"Sa bahay nila Vince. As celebration na rin kasi magkakalahating taon na kami!"Napahalik si Trina sa boyfriend niya at tuluyan na kaming sumakay sa pick-up nito.



Maya-maya, inutusan ni Vince si Trina na kunin ang box sa may dashboard ng sasakyan. Bilang usisera ako sa kaibigan kong 'to, naki-chismis ako kung ano 'yung kinatuwa ni Trina. May kinuha siyang maliit na box.



"Oh my god, Vince." Sabi ni Trina na halatang nagulat. Nilingon siya saglit ni Vince habang nagmamaneho ng sasakyan. Very inlababo lang? "What's this?"



"Kwintas." Sagot ni Vince. "With my intial on it, because you're mine."



"Sweet niyo ha." Hirit ko bigla, baka nakakalimutan nilang kasama nila ako dito sa kotse. "Aray, shet, nakagat ako ng langgam."



"Salamat, Vince." Niyakag siya ng kaibigan ko pagkatapos niyang suotin 'yung bonggalore na kwintas. "I love you." Mahaharot!



"You're mine and only mine, I love you."



"Ang langgam talaga!" Sigaw ko sabay hablot ng camera ni Trina. "Picturan ko nga kayo!"

. . . . . . . 

PRESENT DAY


"HINDI TAYO LILIPAT." Padabog na nilapag ng nanay ko 'yung basket na may mga laman na iba't ibang kulay ng nail polish. Maaga pa lang pinuntahan ko na siya dito sa salon para kulitin. 



Little Incidents (Flavors of Love #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon