Walang sinabi si Miller tungkol sa wrong sent kong text.
At okay naman ako doon.
Bukod kasi sa wala naman siyang pakialam sa akin para pansinin 'yung mga ganong klaseng texts, wala siyang oras.
At sobrang naging busy ni Miller dahil halos ilang linggo na rin siyang hindi dumadaan sa steak house para kumain. Kapag naglilinis ako sa bahay niya, hindi siya palakibo dahil panay at pagkulong niya sa working office niya na laptop at phone lang ang kausap.
Hindi na nga rin siya nagpapaluto ng pagkain dahil laging sagot niya sa akin kapag nagtatanong ako, eh kumain na daw siya. Minsan pa nga, hindi na niya ako pinapatuloy sa condo niya para manilbihan dahil nasa out of town siya.
Well, siguro talagang ganoon ang buhay ng isang abudago. At kahit hindi na kami nag-uusap ng sobrang haba to the point of being friendly, pansin kong may malaki at mabigat siyang kasong hinahawakan ngayon dahil lagi siyang wala.
Very nice naman 'yon on my part dahil mas nakakakilos ako sa iba kong sideline. Mas nakakapagasikaso ako ng orders sa mga bra at kumikita ako ng extra. Bumibenta rin naman ang skincare reselling business namin ni Junnie.
Medyo okay na nga ako sa paglalakad sa runway at sabi ni Miss Sushi, konting kembot na lang ready na ako sa event ng Miranda's Collection Show.
Pero sa ngayon kailangan ko munang intindihin kung paano ako aawra ng poker face sa harap ng camera. Sinabak kasi kami ni Miss Sushi ngayon sa photoshoot para may maipakita siyang portfolio namin kay big boss Allain Miranda.
"There! Kill me with those eyes now!" Sigaw sa akin ni Miss Sushi nung ako na ang sumabak sa harap ng camera. Umawra-awra lang ako na parang empowered woman habang inaartehan kong mag-posing suot ang Miranda signatured na accessories at sapatos.
Feel na feel ko naman itong trabaho ko dahil pakiramdam ko mukha akong expensive.
"Alright." Pinahinto ni Miss Sushi 'yung photographer. "Now I want something bold and sexy."
Tumango ako bago ko tinawag ang inner kalandian ko. Nadalian lang ako sa pag-execute ng mga gustong ipagawa sa akin ni Miss Sushi kaya naman ang aga kong natapos. Sinukatan kami ng mga designer, tapos pinauwi na rin.
Dalawang linggo na lang, kakabog na kami ni Loisa sa runway!
Good vibes ako nung natapos ang session namin for today. Naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep nung tumunog ang cellphone ko dahil tumatawag si...
Sino pa ba?
"Hello!" Abot-tenga ang ngiti ko nang sagutin ko ang tawag ni Harry.
"Good evening, Sally." Napakagat ako ng labi sa ka-sexy-han ng boses niya. Nung nakaraan pa niya ako niyayayang lumabas at panay tanggi ako kasi very busy ang lola mo. "Are you free tonight?"
Tumingin ako sa orasan ko. Quarter to eight pa lang. "Yes, sir. Free ako, kaso lang... ayokong uminom."
Hindi ko alam kung bakit siya natawa sa sinabi ko. "It's fine, I want to take you out to dinner, if you'd let me."
Dahil free naman ako today, and I feel very good, pumayag na rin ako.
Date na 'yun eh. Choosy pa ba tayo?
==
PERO HINDI KO inaasahang double date pala ito. Ang masama pa, kasama naming mag-dinner itong si Miller at ka-date niyang si Bianca na kasamahan niya sa law firm.
BINABASA MO ANG
Little Incidents (Flavors of Love #3)
RomanceSa umaga, serbidora. Sa gabi siya'y lukaret na raketera. Lumaking all-around hustler si Salvacion 'Sally' Pineda at pinapasok ang kung anu-anong diskarte sa ngalan ng kwarta. Siya ay bungangera, pakielamera, at chismosa by nature na palaging naghaha...