26 : Lie to Me

325 8 3
                                    


FLASHBACK. NINE YEARS AGO.



"May betsin ba 'yang mga alak niyo?" Sigaw ko sa helper ng bahay ni Vince na nagsi-serve ng drinks. Hilong-hilo ako kahit apat na baso pa lang ng lady's drink ang nainom ko. "Ang tapang naman ng lady's drink ninyo!"



"Tequila kasi 'yan, Ma'am." Sagot sa aking nung server bago siya umalis at iwan ako sa drinks bar. Saka ko lang rin napansin na hindi ko na kasama si Trina. Siguro nahila na naman siya ni Vince kung saan!



Tinignan ko ang ibang bisita na sumasayaw sa malakas na beat ng kanta. Dapat pala hindi na ako dumalo dito sa party ni Vince, kung magbubutas lang ako ng bangko. Iniwanan naman ako mag-isa ni Trina. Asar!



Nakaramdam ako ng ihi. Kaya kahit medyo hilo na ako, tumayo ako para mag-CR. Mas maraming bisitang nagiinuman at nagkukwentuhan sa loob ng malaking bahay. Naghilamos na rin ako dahil medyo nahuhulas na ako't nilalapot na ako ng pawis.



Hindi ako nagpakabog sa mga bisitang rich kids ni Vince kahit na tinataray-tarayan ako ng mga babae sa CR kanina. 



Sinubukan ko na ring tawagan si Trina. Ringing lang ang phone at walang balak sumagot! 



"Ah, excuse me? Nakita mo kung nasaan si Vince at 'yung girlfriend niya?" Tanong ko sa lalaking nakatambay sa kusina pagkalabas ko ng CR. 



Tinignan niya muna ang suot kong dress bago siya sumagot. "I don't know. Maybe they're upstairs. Wanna come with me?" 



"No, thanks. Kaya kong umakyat doon mag-isa." Auto-reject sa mga lalaking inuuna ang tingin sa boobs kesa sa mismong mata ng kausap! Naisipan ko na lang rin na i-check sa second floor kung nandoon nga si Trina.



Naka-lock 'yung dalawang unang kwarto na nadaanan ko. Nasaan kaya ang babaeng 'yon?



Bababa na sana ako ng hagdan kaso lang may bigla akong narinig na sigaw galing sa pinakadulong kwarto. Pangatlong pinto. Umandar na naman ang pagka-chismosa ko kaya lumapit ako.



Habang lumalapit ako mas nagiging malakas ang kutob kong may sumisigaw sa loob ng kwartong 'yon. Nung una, akala ko sigawan ng mag-jowang nagkakasayahan lang habang gumagawa ng milagro.



Tumayo ang balahibo nang mapagtanto kong sigaw at iyak pala 'yon.

Little Incidents (Flavors of Love #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon