Nabubwisit ako.
Dumaan ang ilang araw... at dalawang linggo, ganon pa rin ang eksena namin ni Miller. Inaasar niya pa rin ako sa pagiging sexually frustrated ko.
Sa hindi malamang kadahilanan, mas napansin niya pa 'yon kesa sa akin.
Well, masisisi niya ba ako? Limang taon nanahimik si little Sally dahil sa sobrang busy ko sa ganap ng buhay. Ngayong na-activate niya ang kalandian switch ko, pagtatawanan niya lang ako at aasarin?!
"Baka early menopause ka, girl?" Bulong sa akin ni Lyka nung nasigawan ko na naman 'yung dalawang bagong waitress. Ang kulit kasi, sinabi nang ayusin ang pagsasalansan sa mga tray at table napkins, hindi ginawa!
"Hindi ako menopause, 'no." Sabi ko sabay unat-unat sa mukha ko konti. Baka magkaroon na ako ng wrinkles, sayang naman itong baby face ko. Stressed pa naman ang bangs ko lately!
"Hi, excuse me, can you tell me where the restroom is?" Tiningala ko 'yung lalaking nag-approach sa amin sa counter table. Tall, dark, and handsome. So very makalaglag-panty, handsome. Pasimple kaming naghampasan ni Lyka sa ilalim ng counter.
"Ahm, CR ba kamo, sir?" Pinaandaran ko siya ng beautiful eyes tapos napaayos ako ng suot kong apron. "Hatid ko na po kayo."
Natawa 'yung lalaki tapos biglang nag-flash sa akin 'yung mapuputi at pantay niyang mga ngipin. Shet. "No, just... I don't want to keep you. Just tell me where it is."
Para siyang si Miller kung magsalita. Clear, maganda ang boses, mukhang matalino. Pero itong lalaking ito sa harap ko sobrang bait ng ngiti! "Ah, okay sir." Tinuro ko 'yung pinto sa pinaka-dulo ng room. "There's the CR there, sir. Ingat!"
"Thanks." Natatawa na naman siya. Nginitian niya ako tapos nagpunta na siya sa CR.
"Bakla ka." Sabi ni Lyka habang nagpapaypay ng pisngi. "Ang hot niya! Hindi ako makapagsalita kanina!" Tapos bigla na lang niya akong sinabunutan. "Akin 'yon eh!"
"Sorry ka, tameme ka eh." Sumaglit ako sa staff room para tignan 'yung mukha ko. Nag-retouch ako nang mabilisan tapos saktong paglabas ko, lumabas na rin 'yung super pogi nice guy na galing CR. "Hi, sir. Success?"
Bakit ba laging ngiti ng mga poging nilalang ang energy drink ko? "Yes, thanks." Tapos napahinto siya sa paglalakad. At nilingon ako.
May paglingon ang handsome person!
BINABASA MO ANG
Little Incidents (Flavors of Love #3)
RomanceSa umaga, serbidora. Sa gabi siya'y lukaret na raketera. Lumaking all-around hustler si Salvacion 'Sally' Pineda at pinapasok ang kung anu-anong diskarte sa ngalan ng kwarta. Siya ay bungangera, pakielamera, at chismosa by nature na palaging naghaha...