Tatlong araw nang wala si Miller sa bahay niya. Ibig sabihin, tatlong araw na rin akong nagiging caretaker niya dito. Nakikita ko naman 'yung point niya kung bakit natatakot siyang iwanan ang bahay niya ng walang bantay.
Kahit di niya aminin, alam kong takot na siyang mapasok ulit ang tinutuluyan niya at masiraan ng mga gamit. Pasalamat talaga siya't wala akong pasok sa steak house at bukas pa ang balik ko.
Ang hindi ko lang talaga matanggap ngayon, eh bakit pati mga trabaho niya sa college sa pinapasukan niya eh ipapagawa niya rin sa akin?!
Kalma lang self, bayad ka dito. Okay? Konting tiis na lang. Nakakaisang buwan ka na...
"Okay na ba 'yan?" Tanong ko kay Junnie habang naka-video call kami. Hawak ko ang work laptop ni Miller habang nagta-type ng pang-handouts niya raw sa subject niya.
May sinend rin siyang mga papeles sa email na kailangan ko raw ipa-photocopy para pasagutan sa mga estudyante niya. Hindi naman ako masyadong shunga sa mga gadgets, pero hiningi ko pa rin 'yung tulong ng kapatid ko pagdating sa pag-check ng files.
"Ayan, ate, tama." Sabi niya. Nasa school si Junnie ngayon at ako naman nandito sa bahay ng unggoy. Mas okay pa kung pinaglinis niya na lang ako ng kung ano eh! "Sige na ate, may next class na ako. Bye!"
Napasandal ako sa office chair ni Miller habang nakatingin sa tina-type kong gawain. "Bakit kasi magtuturo-turo ka tapos tatanggap ka ng kaso at the same time?!" Sigaw ko sa kawalan.
Lintik na Miller na 'yon, halatang may bulsa sa balat kung magtipid eh. Imbis na kumuha siya ng professional assistant, ako pa talaga ang pinagtatrabaho ng mga ganito!
At the same time, parang nae-enjoy rin naman ang perks ng ganito. "Hay, stressed ako sa work." Nag-inarte ako sabay tanggal ng suot kong pekeng salamin at hinilot ang sentido ko. "I need Starbucks. Where's my coffee?" Saka ko kinuha ang isang malamig na baso ng kape galing Starbucks na hinirit ko kay Miller kaninang umaga nung inutusan niya ako para dito.
Buti nga, pinagbigyan niya ako sa hirit ko.
Ano kayang pakiramdam ang maging professional? Tinigilan ko na ang pag-iinarte ko at nagpatuloy sa pag-type. Siguro kahit makatapos ako sa kolehiyo, hindi para sa akin ang mga ganitong linya ng trabaho. Bukod sa boring, siguro nakaka-stress talaga at nakakasungit!
Katulad na lang ni Miller, diba? Masyadong seryoso sa buhay at walang inatupag kundi ang magsungit at magtrabaho.
Windang pa ring ang internal system ko sa revelation na mommy ni Miller si Miss K na nangungulit sa akin nung nakaraan. Kung anu-ano pa namang sinabi ko sa kanya, di ko na naman sinasadyang maging rude. Saka nauna naman siya eh!
BINABASA MO ANG
Little Incidents (Flavors of Love #3)
RomanceSa umaga, serbidora. Sa gabi siya'y lukaret na raketera. Lumaking all-around hustler si Salvacion 'Sally' Pineda at pinapasok ang kung anu-anong diskarte sa ngalan ng kwarta. Siya ay bungangera, pakielamera, at chismosa by nature na palaging naghaha...