5 : No Heart

410 12 4
                                    


Halos maluha ako pagkalapat ng likod ko sa kama. "Pucha, ang sakit." Sinubukan kong tumagilid nang dahan-dahan, pero doon naman lumipat 'yung sakit. Bad trip.



Limang araw pa lang akong utusan ni Attorney Miller, pang-isang buwan na 'yung pagod ko. Tinulungan ko kasi siyang mag-impake ng mga gamit dahil plano na niyang umalis doon sa condo na 'yun para lumipat raw sa bahay na mas safe.



Kahit ako medyo kinakabahan kay Miller eh. Mukhang may taong may galit sa kanya. Well, sa ugali ng lalaking 'yon, imposibleng walang kaaway 'yon. 



Pero lately mukhang seryoso nga siya sa paglilipat. Nakwento niyang posibleng si Ray Anne (na katrabaho ko) 'yung pumasok at sumira ng mga gamit niya sa condo niya. Isang malaking question mark kung paano siya nakakuha ng susi, pero isa lang ang alam ko.



Mukhang seryoso at big time 'yung may galit kay Attorney Miller.



Tapos hanggang ngayon hindi pa niya nahahanap 'yung katrabaho kong si Ray Anne. Sinubukan ko rin siyang ipagtanong sa mga katrabaho ko at kay Ate Josie sa agency, pero bigla na lang raw siyang nagpalit ng number at umalis ng apartment. 



Ang weird.



Nag-unat ako habang nagbabasa ng mga bilin ni Miller sa huling text niya. Bukas, kailangan kong bilisan rumaket ng mga paninda ko bago ako maglinis sa bagong nilipatan ni Miller.



Binasa ko nang paulit-ulit 'yung bilin niya at 'yung bago niyang address na pupuntahan ko bukas ng tanghali. 



"Ay talagang panget ng trip ng mundo oh." Napatayo ako sa inis. Katabing village lang namin 'yung bagong address na sinend niya sakin! 



Doon siya sa Ambrosia Executive Village lilipat?! 



Teka, bakit ba ako nagrereklamo kung malapit lang siya sa perimeter ng lungga ko? Eh mas maganda nga 'yon dahil hindi na ako gagastos ng pamasahe gabi-gabi para lang sa kanya!



Nag-reply ako. Copy, noted. Okay!



Patulog na ako nung tumunog 'yung phone ko at binasa ko 'yung reply niya. 



Don't ever think about being late. Sabi niya sa text.  



Ang demanding talaga ng lalaking 'to!


Little Incidents (Flavors of Love #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon