32 : Rise and Fall

379 11 2
                                    


"Ay, kabogera."



Kumpulan ang lahat ng manicurista at stylist sa pinakita kong picture ko sa kaka-release lang na Mystic fashion magazine. Na-feature kasi doon ang Miranda, at kasama doon sa five-page section na 'yon ang picture ko na suot ang bagong disenyong sapatos ni Allain Miranda.



Nakaka-proud!



"Ang gandang bata naman pala kapag inayusan!" Sigaw ng isang hairstylist na beki. "Love the hair!"



Sumingit sa kumpulan ang nanay ko na bagong-hire lang dito sa bagong salon na pinasukan niya malapit sa nilipatan namin. "Syempre, kanino pa ba magmamana ang anak? Edi sa ina."



"Ay, ang swerte ng ina mo!" 



"Sana next time nasa Ginebra calendar na rin, ano?"



"Kaya nga eh! From squammy promdi turned into sexy star. Pak!"



Natawa ako sa mga tuksuhan at okrayan nila sa akin. Sinara ko na ang magazine nang may mga kliyente nang nagsidatingan sa salon at naging busy na ang iba. "Ma, sa iyo na 'tong kopya. Bigay mo kay Erpats pagkauwi mo."



"Sige, mag-iingat ka sa lakad mo ha!" 



Kumaway ulit ako bago ako lumabas ng salon at sumakay ng jeep papunta sa site ng bagong photoshoot sideline ko. Tinawagan ulit kami ni Miss Sushi dahil napasama kami ni Loisa sa napiling mag-model ng  bagong underwear line na bubuksan ni Madam Allain.



Kabog diba!



"Hintayin mo na lang ako! Para sabay na tayo!" Sigaw ni Loisa sa kabilang linya nang makarating ako ng terminal at wala pa rin ang gaga. 



"Bilisan mo, baklang 'to! Palaging late!" 



Nag-type na lang ako ng good morning text sa boyfriend kong very busy (lagi naman) dahil naghahanda sa malaking kaso na tinanggap niya nung nakaraang buwan. 



Hindi ako mapakali nang mag-ring ang phone ko dahil tumatawag siya.



Tumatawag siya! Maygolay! May himala!



"Hello, pogi? Good morning!"



Little Incidents (Flavors of Love #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon