TylerMarch 3, 1997
Beep!
Pumreno ako agad nang muntikan ko nang mabangga ng sasakyan ko si Gunther Atienza.
He is the weirdest kid in our class. Iba lang talaga ang takbo ng utak niya kagaya ng akala niya isa siyang alien mula sa isang exoplanet. Suot niya palagi ang overalls niya at neon shirts sa ilalim nito. Para siyang naglalakad na stoplight sa suot niya dahil sa tingkad ng kulay.
Kinakausap niya ang sarili niya gamit ang morse code kapag akala niyang walang nakakaintindi ng pag tapik-tapik niya ng ballpen sa desk niya. Malas ko lang dahil marunong ako mag morse code, naiintindihan ko kapag sinasabi niya sa sarili niyang 'gusto ko ng siomai ngayon' at muntikan ko rin siyang ilibre.
He is a genius in his own way, he does what he wants to do. At kahit anong sabihin ng iba sa likod niya, Gunther likes being himself and nobody can stop him.
Bumaba ako ng sasakyan para tingnan kung ayos lang siya, napaupo kasi si Gunther sa concrete at mukhang nagulat.
"Ayos ka lang?"
Pinagtitinginan kami ng tao sa paligid at para bang gusto nila akong igapos dahil isa akong kaskaserong salot kahit hindi ko talaga kasalanan kung bakit siya muntikang mabangga.
Bigla siyang tumawid at engot din akong nagmamadaling magpaandar ng kotse dahil nga late na ako sa klase at malamang, siya din. Ang lahat ng ito ay kasalanan ng traffic sa Manila at pati ng Dad ko kasi pinauwi niya pa ako sa bahay namin sa Alabang kahit nagdodorm ako sa loob ng campus. Nag-away kami at sinermunan ako ulit sa pagbabanda pero malas niya, lumaki akong walang hiya.
Hindi man lang ako nilingon ni Gunther, kusa na lang siyang tumayo at naglakad paalis na para bang walang nangyari.
"Weird."
Kakaiba lang talaga siguro si Gunther. Sometimes, he will be getting weird looks from the people in the campus. Pero dahil sa kanya humihiram ng notes ang ilang mga freshmen at sa kanya rin nagpapaturo ang iba sa academic related texts, wala nang umangal pa sa pagiging self-proclaimed alien niya.
After all, ang college ay isang malaking circus para sa aming mga talunan. Pumasok ako sa UP ng iniisip kong hindi ako magaling, lalabas akong siguradong hindi talaga magaling. That is why a kid claiming to be an alien is the least of our problems.
Swerteng wala ang professor pagkapasok ko ng klase namin sa Bio Research pero ayaw ako tantanan ng bestfriend kong si Orson sa kakangisi niya simula pa lang nang maupo ako sa usual seat ko sa tabi niya.
"Para kang gago," sabi ko. As a matter of fact, ilang araw akong absent sa klase dahil una, bakit ba ako nag-major ng Biology? Ayoko ng Biology.
Pinilit lang ako ng Dad ko mag-aral ng pang-matino dahil wala raw akong mapapala sa music. Pero dahil ipinanganak akong walang hiya, hindi ako tumigil sa kakabanda kahit halos igapang ko na lang ang 4th year.
Ang mahalaga makakaalis ako sa lugar na 'to, tapos.
"Nagpilian ng grupo para sa thesis nung absent ka. Ano, gagraduate ka pa?"
"Yabang mo, tingnan mo talaga kung sino satin di gagraduate."
Napailing na lang siya. I have a point. Pareho kaming puro banda, nagugulat nga kami kung paano kami nakapapasa.
"Ang swerte mo pare, ka-partner mo si Gunther sa thesis," he said.
Napakunot ang noo ko. Out of reflex, napalingon ako bigla kay Gunther. Nakaupo siya sa pwesto niya sa tabi ng bintana. Sakto ang tama ng araw sa mukha niya, it accentuates his features. Gunther smiled over something, his dimples on both cheeks are showing and it's cute.
BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
RomanceTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...