Chapter 15

94 12 8
                                    


Tyler



Matapos naming ibaon ni Gunther ang time capsule, tinanong ko siya kung gusto niya nang matulog. He had a short rest while we were on our trip so he said he is not sleepy. Kahit pagod, hindi ako inaantok. Grabe kasi yung inabot kong kaba at excitement para magawa lang yung time capsule. Nagpatulong na ako kay Kuya Anson para hukayin ang paglalagyan. Matagal ko nang inayos yung mga nasa loob ng time capsule kaya wala na akong inintindi.

Nanood nalang kami ng movies habang pareho kaming di inaantok. We watched romance movies, including those with gay characters. Habang nanonood kami, napansin ni Gunther na puro tragic ang ending nung movies na bakla ang bida.

"Wala ba tayong karapatan lumigaya?" he asked but I shrugged it off with a chuckle. I like it when movies end with tragedy before. I said, miserable man ako, atleast, hindi lang ako. Nang makilala ko si Gunther, bigla akong na guilty na matuwa sa mga tragic movies. Iniisip ko, paano kung tragic din ang sapitin namin ni Gunther? Hindi ko yata makakaya 'yon.

Matapos ang ilang movie, nakaramdam ako ng antok. Umaga na at maliwanag na sa labas. Nagpasya ako na mahiga na sa kama sa kwarto pero ayaw pa ni Gunther na mahiga kaya hinayaan ko nalang siya sa sala. Ilang beses ako umikot-ikot sa higaan ko pero kahit inaantok na ako, hindi ko magawang matulog. Wala kasi si Gunther sa tabi ko. Pinuntahan ko nalang siya sa sala at nakita siyang nakatulala habang nakaupo malapit sa fireplace. Merong kumot na nasa balikat niya tapos mukhang malayo ang iniisip.

"Ako ba iniisip mo? Huwag ka masyadong patay na patay sakin." Pabiro kong sinabi. Nang lingonin niya ako, bigla niya akong inirapan kaya lalo akong tumawa. Nilapitan ko siya tapos niyakap, naka kobre sa amin ang kumot habang nasa fireplace. Sumisiksik siya sa dibdib ko at ramdam ko ang pagka matamlay niya. Nawala ang ngiti ko dahil mukhang hindi ayos si Gunther.

"Sabi ni Brix, I should do everything to get my happily ever after. Kaya lang, sa movies, yung mga gay characters, yung mga parehong lalaki na nagmamahalan, di naman sila nagkakatuluyan, eh. Laging malungkot." Gunther doesn't like tragic movies. He cannot handle them well. Kung alam ko lang na malulungkot siya dahil hindi happy ending yung palabas, hindi ko na dapat pinapanood.

"Hindi tayo karakter sa pelikula. Ikaw, ako, hindi magiging malungkot ang ending natin."

"Akala ko noon, to be with you is a wish on a dead star. Mabuti nalang, pinagbigyan ako ng universe. I wish our happy ever after is not a wish on a dead star."

"Meron bang dead stars?" tumango si Gunther tapos pinaliwanag niya sa'kin yung mga bituin na namamatay sa langit.

"Sometimes, my wishes do not come true. Just so I could get over it, I'm just telling myself that I wished on a dead star that was not capable of granting wishes. I'm happy because you are not a wish on a dead star, Tyler. Please don't be a wish on a dead star."

I hugged him tightly and I slept comfortably like that. Sa panaginip ko, maganda ang hinaharap namin ni Gunther. Magkasama kami sa iisang bahay tapos madaming kapatid si Hyacinthus na iba't-ibang halaman. Tutuparin ko ang mga pangarap niya. After all, we are not a wish on a dead star.

Habang nahihimbing si Gunther sa mga braso ko, pasikreto kong binagsak-bagsak ang hintuturo ko sa sahig. I am tapping my finger tip on the floor and using morse code to convey a message to Gunther, hoping he could hear it in his dreams.

'Always you, Gunther. Only you.'





August 9, 1997

Today is our audition in Music Asia. Sa totoo lang, hindi na ako masyadong umaasa pa na makukuha kami sa Music Asia para hindi ako ma-disappoint kapag palpak ulit. Dalawa kami ni Orson na nagsulat ng kanta tapos pina-arrange namin kay Brix at sinubukang ipatugtog sa kanya yung guitar solo dahil hindi ko kaya gawin. Bago ang audition, tumawag ako sa telepono nila Gunther para ma-inspire ako tumugtog kapag nadinig ko ang boses niya. Si Kuya Thirdy ang sumagot at sabi niya, umalis daw si Gunther at may pinuntahan.

Wishing On Dead Stars (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon