Tyler
May 4, 2016
Nakaramdam ako ng halik sa pisngi ko. I bat my eyes open and saw Gunther peppering my face with kisses while giggling. Ang gandang bungad sa umaga. Kinusot ko ang mga mata ko at nag hikab dahil sa biglaan kong paggising.
“Good morning, husband. Today is Tyler and Gunther day. Huhukayin natin yung time capsule,” mahinang sabi ni Gunther na mukhang excited. Kahit nakangiti siya, hindi umaabot sa mata niya yung saya. Parang meron siyang nararamdaman na hindi maganda pero pinipilit niya lang mag mukhang malakas para sa akin. Nahihirapan ka na ba, Gunther?
Tumingin ako sa orasan at nakitang 5:06 AM pa lang.
Bumaba ako ng kama tapos binuhat ko si Gunther dahil hindi niya na kayang maglakad. Nanghihina na ang katawan niya. I carried him bridal style then we went to the comfort room to brush our teeth. Matapos non, pumunta na kami sa garden para hukayin ang time capsule. Buhat-buhat ko si Gunther nang pumunta kami sa garden at dahan-dahan ko siyang inupo sa isa sa mga upuan. Pinanood niya ako habang hinuhukay ko yung lupa. Nang makita niya na ang time capsule, napapalakpak siya sa tuwa. Inilagay ko ang time capsule sa lamesa at sabay naming itong binuksan. Nakita namin ang liham na sinulat ko para sa kanya noong 1997. Nasa loob din ng time capsule ang cassette tape na naglalaman ng mga kantang sinulat ko para kay Gunther.
Kinuha ko sa loob ng bahay yung cassette player ko na naitabi ko pa pati ang earphones. Naupo ako sa tabi ni Gunther tapos binasa niya ‘yong letter na isinulat ko noong 1997. Nag hati kami sa magkabilang earphones at pinakinggan namin ‘yong cassette tape na naglalaman ng mga kantang isinulat ko para sa kanya. Kinabahan pa ako dahil akala ko hindi na gagana ‘yong tape pero gumana ito at napakinggan pa namin ang nakalagay.
“Magtime travel ka na. Isipin mo lang na nagmula tayo sa 1997 tapos nandito na tayo ngayon. Tinupad ko ang pangako ko, ha?”
Naramdaman kong pumatak ang luha niya sa braso ko kaya hinawakan ko ang mukha niya.
“Bakit ka umiiyak? May masama ba sa sinabi ko diyaan sa sulat ko?”
“Hindi,” umiling siya. “Wala kang masamang sinabi. Mahal na mahal lang kasi kita, hindi ko na alam ang gagawin ko. Thank you, Tyler. Thank you for loving me. Thank you because I love you.” Isinandal niya ‘yong ulo niya sa balikat ko. Mula sa pwesto namin, tanaw namin ang pag sikat ng araw. Ang gandang simula ng araw ang panonood ng sunrise kasama si Gunther. Hinawakan ko ang kamay niya at kinumpara ko ito sa malaki kong palad. Napakaputla ng balat niya at meron siyang malaking pasa sa hinlalaki.
“Tyler?” ramdam ko ang malalim niyang pag hinga. Parang nahihirapan siya mag salita. Tinanong ko kung may masakit sa kanya pero umiling lang siya at ngumiti. “Ang bilis ng panahon. Akalain mong nandito na tayo sa May 4, 2016? I kept my promise. Tinupad ko yung pangako ko sa’yong sabay natin bubuksan yung time capsule.”
“Oo nga. Next month, June na. Matapos non, sa July, birthday mo na. Saan mo gusto mag celebrate?”
“Sa beach,” mahina niyang sabi. “Punta tayo sa beach.” Tumango ako at pumayag sa gusto niya. Iniisip ko na kung gaano kalaking party ang ihahanda ko para kay Gunther.
“Promise, kahit anong mangyari, pupunta tayo ng beach.”
“Husband,” humigpit ang hawak ni Gunther sa kamay ko. Napapikit siya at huminga nang malalim. Alam kong may masakit sa katawan niya pero hindi ko alam kung paano pawawalain ‘yon. “Husband, the UFO is coming to get me. I need to go back to my planet already. Thank you for making my stay on Earth worthwhile. Don’t forget me, okay? I love you so much, husband. Thank you for making me happy.”
BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
Lãng mạnTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...