Chapter 24

40 6 0
                                    

Gunther

 



It’s been a week since I was confined in the hospital. Kung ano-ano ng gamot ang ibinibigay sa akin para gumaling ako. Nag undergo ulit ako ng ATG treatment dahil nga walang nag match sa akin na bone marrow donor at ito nalang ang maaari naming gawin para gumaling ako. Mananatili ako ng dalawang linggo sa ospital para obserbahan kung magkakaroon ako ng allergic reaction sa therapy na ginawa sa akin. Ang sabi ni Doctor Dizon, huling ATG treatment ko na daw ito kung i-reject ulit ng katawan ko ang therapy. Napapagod na ako. Hindi na natapos yung paghihirap kong ganito. Minsan iniisip ko kung naging masama ba ako kaya ako pinahihirapan ng ganito ng mundo. Ayoko nang mag-alala yung mga taong mahal ko dahil sa'kin. Ayaw ko na silang nahihirapan. I want to give up yet at the same time I want to live. Paano na si Tyler kung wala ako? Malulungkot siya at ayokong malungkot si Tyler.

“Will it be better if I just die?” tanong ko kay Tyler habang sinusubuan niya ako ng grapes. Nakaupo siya sa upuan sa tabi ng kama ko. Bigla niyang pinitik ang noo ko kaya napahawak ako doon at napanguso.

“Sira ka talaga. Mauuna akong mamatay bago ka mamamatay, okay?” biglang tumunog ang cellphone ni Tyler at nang makita niya kung sino yung tumatawag, tumayo siya at sinagot ito. Lumayo siya sa akin at lumabas pa ng kwarto habang kausap niya yung tumawag sa cellphone.

Nitong mga nagdaang araw, palaging merong tumatawag kay Tyler. Inisip ko nung una na baka kailangan na siya sa trabaho at tinatawagan na siya ng boss niya pero sinabi niya sa akin na hindi naman daw ganon ka importante yung tawag. Inisip ko na meron siyang tinatago sa akin kasi sa tuwing tinatanong ko siya kung tungkol saan yung pinag-usapan nila ng tumawag sa kanya, iibahin niya yung usapan at hindi siya sasagot.

Nang bumalik si Tyler, pilit akong ngumiti sa kanya.

“Aalis lang ako sandali, ha? Babalik ako.”

“Saan ka pupunta?” hindi siya sumagot. Humalik lang siya sa noo ko pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng kwarto. Makalipas ang ilang oras, biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at inakala kong si Tyler na ‘yon. Nang magbukas ito, laking gulat ko na si Jaxon ang bumisita sa'kin.

“Jaxon!” masaya kong sabi. Lumapit siya at naupo sa upuan sa tabi ng kama ko. “Akala ko galit ka sa akin.” Matagal kaming hindi nag-usap ni Jaxon. Matagal niya akong iniwasan. Matapos ng araw na nag-propose sa akin si Tyler, parang lumayo ang loob sa akin ni Jaxon. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit niya ako iniiwasan. Basta ang alam ko lang ngayon, nasasaktan ko si Jaxon at ‘yong paglayo niya lang yung paraan para hindi na siya masaktan. Kaya kahit miss ko siya at gusto ko siyang makasama, hindi na ako nagpumilit pa.

“Magagawa ko bang magalit sa’yo?” hinawakan niya ang kamay ko. “Alam mong hindi ko magagawa ‘yon sa’yo.”

“Nasasaktan na naman ba kita, Jaxon?”

Pinilit ni Jaxon na ngumiti sa akin pero alam kong malungkot siya dahil hindi naman umabot sa mga mata niya ang saya.

“Kahit ilang ulit mo kong saktan, babalik at babalik ako sa’yo,” kinuha niya ang kamay ko tapos hinalikan niya ito. “Nandito ako para sabihin sa’yo na meron tayong pupuntahan na mahalaga.” Hindi niya na sinabi sa akin kung ano yung mahalagang pupuntahan namin. Nagkwentuhan na lang kaming dalawa dahil wala naman kaming ibang pwedeng gawin dito sa kwarto ko. Sinabi niya sa akin yung mga magagandang nangyari sa kanya nitong mga nagdaang araw kagaya ng paglago ng negosyo nila. Hindi na nakapagtataka ‘yon dahil magaling humawak si Jaxon ng negosyo. Alam kong hindi magtatagal at uunlad at uunlad pa ang negosyong hawak niya pero hindi ko alam kung nandoon pa ako para sabihin kay Jaxon na proud ako sa kanya. Hindi ko alam kung sapat pa ang buhay ko para makasama ko siya at ang mga kaibigan ko.

Wishing On Dead Stars (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon