Chapter 22

41 5 0
                                    

Gunther

 

Pagkagising ko, wala si Tyler sa tabi ko. Nag-iwan lang siya ng sticky note sa side table ko at sinabing bumalik muna siya sa hotel at bukas daw ay mag de-date kami. Napangiti ako. Hindi pa rin nagbabago si Tyler. Siya pa rin yung Tyler na minahal ko, na naging crush ko noong college ako, yung pinapantasya ko.

Ayoko nang mawalay sa kanya. Sobrang saya niya nang malaman niyang naging maayos na ang kondisyon ko kaya wala akong tapang para sabihin sa kanila yung sikreto namin ni Jaxon. Hindi ko na kayang nahihirapan sila dahil sa akin.

Kinabukasan, kagaya nga ng sabi niya, sinundo niya ako sa bahay para makipag date. Mabuti nalang wala akong pasok ngayon sa university at wala ako masyadong kailangan aralin.

“Gunther,” pag bukas ko ng pinto ng kwarto, nakita ko agad si Tyler na merong dalang bouquet ng bulaklak para sakin. “Nagpaalam na ako kila Tita Ana. Halika na, sinusundo ka na ng prince charming mo.” Kinuha ko yung flowers tapos humalik ako sa pisngi niya.

“Di ba, ikaw ang mahilig sa flowers? Bakit ako ang binibigyan mo?

“Ayun nga, nagandahan ako sa bulaklak kaya pinapakita ko na din sa’yo. Sabi ko, ganda nito, tamang-tama ‘to para sa Gunther ko. Kaya ito, binili kita ng bulaklak.” Nirolyohan ko siya ng mata tapos tinawanan niya ako. Naghintay siya sa kwarto ko habang nag-aayos ako. Ilang beses nga siyang nag complain dahil ang bagal ko daw kumilos. Sabi ko, kung natatagalan pala siya, mauna na siyang umalis. Sumagot siya at sinabing aalis siya pero kailangan kasama ako kasi pares daw kami. Para kaming sapatos na hindi magagamit kapag wala yung isa.

“Saan ba tayo pupunta?” hindi siya sumagot sa tanong ko. Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa labas. Inaalis ko yung hawak niya pero mahigpit ang hawak niya sa'kin Ngumisi siya nang hindi ko maalis ang kamay niya.

Nag-bus kami papunta sa train station pero kahit na nandoon na kami, hindi pa rin sinabi ni Tyler kung saan kami pupunta. Magkahawak-kamay kami sa train tapos pinagtitinginan kami ng ibang tao. Bumulong ako sa kanya at sinabing baka may masabi yung mga tao dahil magkahawak-kamay kaming dalawa pero sabi niya, wala raw mali sa ginagawa namin.

“Yung pagmamahal nila at pagmamahal ko, ano bang pinagkaiba? Pareho lang tayong lahat na nagmamahal.”

It took an hour before I realized that he is taking me to New York. Gusto lang pala niya mag-tour at isinama niya ako para hindi raw maging boring habang naglalakad-lakad siya. Ngayon lang kasi siya nakapunta sa US kaya gusto niya, kapag babalikan niya yung alaala na pumunta siya dito, ako yung maaalala niya dahil magkasama kami.

Pumunta muna kami sa isang shop dahil gusto niya bumili ng digicam. Babalikan niya raw yung videos na makukuha namin kapag umuwi na siya. Uulit-ulitin niyang panoorin para hindi niya ako masyadong mamiss. We went to Central Park and his hand is still holding mine. He doesn’t care whatever people will say as long as we are together.

“Gunther, tayo ka dyan dali. Tapos kaway ka!” kung saan-saan niya ako inutusan na mag-pose at ngumiti sa camera. Natatawa ako kasi para siyang bata na nasa fieldtrip. I wish it’s always like this. I wish to be with Tyler for the rest of my life. I can’t stand the idea of losing him.

He is my everything.

Nag lunch kami sa isang Italian restaurant sa Times Square tapos patuloy kaming naglibot-libot.

“Gunther, sandali.” Hinila niya ang kamay ko para tumigil ako sa paglalakad. Hinila niya ako palapit tapos sa gitna ng mga tao, bigla niya kong hinalikan sa lips. Out of reflex, I immediately pushed him. Natawa nalang siya at napailing sa naging reaksyon ko. People are looking our way and I am bothered that I am getting this much attention from the crowd. “Kapag kasama mo ko, huwag ka matakot na ipakitang mahal mo ko. Sagot kita. Ganon din ang gagawin ko.”

Wishing On Dead Stars (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon