Tyler
Madalas, palagi sa'kin pinararamdam ng universe na imposible ang mga bagay-bagay. That is why I made it my goal to break the system. Hindi ko hinahayaang dadalhin lang ako ng agos. Gusto ko ako ang kokontrol ng buhay ko at ng mga choices ko. Kaya lang, sa mga ganitong pagkakataon, di ko alam kung paano ko kokontrolin ang sarili ko. Para akong ginamitan ng mahika.
Ngumingiti si Gunther ngayon at hindi ko makontrol ang sarili ko. Tuwang-tuwa si Gunther nang makapasok kami sa Mayric's at makapanood siya ng live bands.
Nawala ang atensyon ko sa mga banda, mas distracting kasi ang mga ngiti ni Gunther. Sobrang inosente ng tawa niya atsaka yung pagkagat niya ng labi kapag naka focus siya sa isang bagay. Posible pala 'to. Posible pala yung para kang na-engkanto at di mo alam ang gagawin.
Nagising ako mula sa pantasya ko nang biglang tumunog ang beeper sa bulsa ko. Ilang araw ding walang nagpapadala ng message at nasanay akong ganon hanggang bigla kong naalalang hawak ko ang beeper ni Gunther simula pa nitong mga nakaraan.
"Bunso, asan ka? nag-aalala si kuya. Tawag ka." Binasa ko ang message para kay Gunther. Nang mapalingon siya sakin at nakita akong hawak ang beeper niya, nawala ang ngiti niya at mukhang naalala niya agad na di siya pwede magtagal sa labas at kailangan niyang umuwi agad. Para masiguro kong di siya mapapagalitan, hinatid ko si Gunther pauwi.
"Magagalit ba kuya mo kung sa inyo muna ako matutulog?"
Nanlaki ang mga mata ni Gunther sa itinanong ko. Natawa pa ako dahil para siyang batang ginulat at ang cute ng mukha niya.
"Hindi, pero baka maging uncomfortable ka."
Tumawag kami ni Gunther sa telephone booth para tawagan ang kapatid niya at dahil naalala kong nasa akin pa ang beeper niya, ibinalik ko na rin ito. Ang totoo, gusto ko lang makilala ang kapatid niya para magtiwala sila sakin at di sila mag-alala sa susunod na kasama ko si Gunther.
Tahimik si Gunther sa byahe. Di ko alam kung anong gumugulo sa isipan niya.
"You didn't like it?"
Napalingon sa akin bigla si Gunther at nagtaka kung anong tinutukoy ko.
"Yung mga banda. I thought you'll like it kasi sabi mo crush mo si Ely."
"I love it. Thank you."
Bigla kong naalalang naluha si Gunther kanina nang niyakap niya ko. Is it because of happiness? Napalingon ako sa gawi ni Gunther tapos napansin kong yuko ang ulo niya. He is fidgeting his fingers. Looks like he does that when he is nervous.
"Last time, nang nagsabi akong nagkagusto ako sa lalaki, nilayuan ako ng kaibigan ko. Won't you do the same? I mean, I won't take it against you. I don't want to push people into liking me. Malulungkot ako kung lalayo ka but I'll be fine if you don't want me around."
Ngayon naintindihan ko kung anong gumugulo sa isip niya. Kahit mahina ang boses, pinakinggan ko maigi si Gunther. Minsan lang kasi siya magsabi sa'kin.
"Alam mo, I like it when I receive flowers. Gusto ko yung ganong gesture kahit sabi ng ate ko, pambabae lang daw 'yon. Nasanay akong manood ng romance movies kasi share kami noon ng ate ko ng kwarto. Puro ganon ang VHS tapes niya kaya nanood rin ako. Cheesy, but who cares? That is me. Kapag sinabi ng universe na hanggang dito ka lang dapat, prove them wrong. Cross the oceans, paint the clouds purple. Do the impossible. So, Gunther, what is wrong with you liking Ely or any other men?"
He is cute when he smiles. Mali pala, sobrang cute ni Gunther kahit nakaupo lang siya, humihinga. Effortless kumbaga. Kahit papaano, nakakangiti siya ngayon. I felt proud.
BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
RomanceTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...