Gunther
June 20, 2012
“Daddy Gunther, let’s play! Let’s play! Please?” our little princess pulled my hand so I can join her on her tea party. Nandito kami ngayon sa bahay ng mga Sangri para sa birthday party ni Fia. Kasalukuyan ngayong nakaupo na paikot sa maliit na lamesa yung mga stuffed toys niya at nasa lamesa ang tea set na regalo sa kanya ni Tyler noong 3rd birthday niya.
“Fia, I already told you to stop calling Tito Gunther, daddy. I’m your only Dad,” sabi ni Jaxon na sumama sa amin sa lamesa at tinabihan ang anak niya. Fia is Jaxon’s 5-year-old daughter with his ex. He is now co-parenting with Fia’s mother and they’re in good terms even though they broke up a long time ago.
“Bakit si Winchester dalawa ang daddy? I also want two daddies!” Fia is talking about her cousin, Winchester. Si Winchester ay adopted son ni Winster at ng Thai niyang live in partner. Winster and his husband is now living in Canada with their son while Jaxon is now permanently staying here in the Philippines just like me. Nagdesisyon ako na dito na sa Pilipinas manirahan dahil nandito sina kuya at Jane. Syempre, nandito rin si Tyler at ang trabaho niya kaya gusto kong nandito ako. Dito na rin ako sa Pilipinas nagpatuloy sa pagiging doktor.
“Hayaan mo na nga siya na tawagin akong daddy. Parang anak ko na din ‘yang si Fia. Right?” I asked Fia then she eagerly nodded her head as an answer. Nababahala daw kasi si Jaxon na baka isipin ni Fia na isang pamilya lang kami katulad ng set up nina Winster at ng live-in partner niya. He doesn’t want Fia to mistake me as her other father. Tyler doesn’t mind whenever Fia is calling me daddy. He honestly finds it cute because Fia is like a daughter to us.
Matapos ang aming tea party, nagbihis na si Fia ng gown niya para sa birthday party niya mamayang hapon. Pinasadya pa sa isang designer ang gown na susuotin ni Fia. Si Auntie Agatha mismo ang pumili ng bagong sapatos na susuotin ng apo niya. The Sangers really prepared a for this princess’ party. Biniro ni Orson si Jaxon noong isang araw at sinabing parang debut na daw ang pinaghandaan ni Jaxon dahil sobrang laki ng party. Jaxon kept on telling me that he’s not spoiling Fia but I do think he loves pampering her so much. Pinaalalahanan ko siya na hindi naman masama na i-spoil si Fia basta ba hindi lang sosobra. After the stylist did Fia’s hair, I went near her to put a tiara on her head.
“Thank you, Daddy.” I kissed Fia on her forehead then I pinched her cheek. Sobrang bait talaga na bata ni Fia at gusto kong katulad niya din ang magiging anak namin ni Tyler kung mag desisyon man kami na mag ampon. Napag-usapan na namin ni Tyler ang mag ampon ng bata pero napakahabang proseso kasi non at hindi pwedeng basta-basta lang kami papasok sa isang responsibilidad nang hindi namin pinag-isipan nang husto kaya inabot kami ng taon kakapalit-palit ng desisyon. Dahil pareho kaming abala sa trabaho, napag-usapan namin sa huli na hindi muna kami mag aampon ng bata dahil hindi lang namin ito mabibigyan ng atensyon na dapat para sa kanya. Mahaba pa naman ang panahon na magsasama kami ni Tyler. Marami pa kaming oras para magdesisyon na mag ampon. Hindi nga lang ngayon.
A lot of things have happened on the past years. Meron ng asawa si Kuya Aki at nagpakasal na rin sina Jane at Gino. Papalit-palit pa rin si Kuya Thirdy ng karelasyon pero pinaka matagal na niya ang boyfriend niya ngayon. He came out to us as bisexual last year. Meron ng anak sina Orson at Alrissa na kasing edad lang ni Fia at mag best friend ang dalawang bata. Ang dami nang nangyari nitong mga nagdaang taon at marami ng bago pero nanatili pa rin ang pagmamahal ko kay Tyler. Hinding-hindi na mawawala ‘yon.
By 3 pm, Fia’s birthday party started. Maraming bata ang bisita at nandito din ang mga kaibigan namin ni Jaxon. The Apollos are here to shower Fia with gifts. Fia is our princess and she will always be. Tyler gave the biggest gift and I know he’s still vying for the position as Fia’s best uncle. Pinagtatalunan ng mga Apollo kung sino ang pinaka paborito ni Fia sa kanila pero ako pa din palagi ang panalo.
BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
Storie d'amoreTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...