EPILOGUE

213 7 12
                                    

Jaxon

 



“Gunther, smile!” pinanonood ko sa digicam ang mga kinuhanang video ni Tyler. Kay Gunther palagi naka focus ang video. Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko siyang masaya. Nandito ako ngayon sa labas ng ICU at umaasa pa rin na mag milagro at biglang gumising ang pinakamamahal ko. Pinabantayan ko muna si Fia kay Mama. Ayokong makita niya akong ganito. Ayokong makita niya akong mahina. Gusto ko malakas ako sa mga mata niya pero hindi ko kaya maging malakas. Hindi ngayon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa maging malakas, Gunther.

“Anong masasabi mo sa mga Apollo?” tanong ni Tyler kay Gunther sa video. Sandaling nag-isip si Gunther tapos humagikhik.

“Magaling sila! Crush ko si Brix!” bigla kong narinig ang pagka dismaya sa boses ni Tyler kaya natawa ako ng unti. “E sa crush ko siya! Pero favorite ko si Tyler Tuazon!” Magsalita ka lang, Gunther. Gusto ko pa marinig ang boses mo.

“Si Tyler ba soulmate mo?” tumango si Gunther sa tanong ni Tyler, “Siya rin ba bestfriend mo?” biglang umiling si Gunther nang nakangiti.

“Si Jaxon ang bestfriend ko,” biglang kumirot ang puso ko. “Si Jaxon ang bestfriend ko. Ikaw na nga asawa ko, eh. Ibigay mo na sa kanya yung title na best friend! Deserve ni Jaxon ‘yon.”

“Anong masasabi mo kay Jaxon?”

“Jaxon, thank you sa pag-aalaga mo sa akin, ha? Alam ko nanghihinayang ka pa din doon sa mga oras na lumipas na hindi tayo okay. Alam ko nagsisisi ka pa rin sa pang aaway mo sa akin,” tumawa siya nang unti, “Pero pinapatawad na kita, Jaxon. Patawarin mo na din ang sarili mo. Salamat sa lahat, Jaxon Sangri. Ikaw ang best friend ko. Ikaw first love ko. Huwag mo pababayaan sarili mo mag mula ngayon, ha? Kahit mawala ako, huwag mo pababayaan ang sarili mo. I love you, Jaxon.”

I love you too, Gunther. I love you so much this is killing me.

Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. Niyakap ko ang digicam at inisip na si Gunther ang yakap ko. Pumasok ako sa loob ng ICU at tinitigan siya. Tumitibok pa ang puso niya. Alam kong nahihirapan na si Gunther pero lumalaban pa siya. Nandito ako hanggang sa pinaka dulo. Nandito ako hanggang kaya niya pa. Nandito ako hanggang sa hindi niya na kaya. Hindi ko na siya iiwan ulit.

Napatingin ako sa bintana. Madilim na ang langit. Matatapos na ang isang araw. Siguro, hinihintay niya lang matapos ang Tyler and Gunther day.

“Mahal na mahal mo talaga siya, ano?”

Siguro nga, kayo talaga ang para sa isa’t-isa. Alam ko namang si Tyler talaga ang para sa’yo. Matagal lang akong nagbulag-bulagan dahil hindi ko kayang isipin na hindi ka sa akin, Gunther. Pero ngayon, mas pipiliin ko na mapunta ka kay Tyler kesa mawala ka ng tuluyan.

Napatingin ako sa pinto nang dahan-dahang pumasok si Kuya Thirdy. Para siyang balisa at wala sa kondisyon. Matagal niya akong tinitigan na parang may gusto siyang sabihin. Ilang minuto ang lumipas nang sabihin niya ang gusto niyang sabihin. Napahawak siya sa noo niya at yumuko.

“Tyler’s gone…”

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

“Anong nangyari? Paano?”

Napailing si Kuya Thirdy kasabay ng pag iyak niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong lumuha.

Tumingin ako kay Gunther. Para bang narinig ni Gunther ang sinabi ni Kuya Thirdy, tumunog ng napakahaba yung heart monitor na naka konekta sa kanya. It’s now on flat line.

Pareho kaming nataranta ni Kuya Thirdy. Hinawakan niya ang kamay ni Gunther at nagmakaawa sa kanya na lumaban pa siya nang kaunti. Pinindot ko ang emergency button at agad na dumating ang nurse at doktor. Pinaalis kami sa ICU para magawa nila ang dapat nilang gawin at maisalba si Gunther.

They tried reviving Gunther.

But just like how his heart is with Tyler since the moment he met him, Gunther’s heart decided to follow Tyler just like that.

 


May 11, 2016

Magkahawak kamay kami ni Fia na nag lagay ng bulaklak sa puntod ni Gunther at Tyler. Magkatabi ang mga puntod nila at nasa iisang mausoleum. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi isang pangit na panaginip ang lahat ng ‘to. Hindi na naalis ang sakit sa puso ko. There is a void in my heart that nothing could ever fill. I wish I can go back in time and savor each moment. I wish I could go back to the past.

But no matter how much I want to go back, memories will remain memories and I could never get it back no matter how much I beg. No matter how much I cry or ask for it. Tyler and Gunther will always be my fondest memory of my past.

“Dad, is Daddy Gunther happy on his planet?” tanong sa akin ni Fia. Tumango ako sa kanya at ngumiti.

“Yes, because he’s with Tito Tyler. They’re always happy when they’re together.”

Lumapit sa amin sina Brix, Sion at Orson. Nag-iwan din sila ng bulaklak para sa dalawa. Pinili pa ni Orson ang pinaka magandang ayos ng bulaklak dahil alam niyang paborito ni Tyler ang mga bulaklak. Tinapik ako sa balikat ni Brix para damayan ako. Matapos ng ilang sandali, umalis na kami sa mausoleum. Habang naglalakad ako, napatingin ako sa itaas.

“Are you two happy?”


I just know they’re happy wherever they are.

I wish it was 1997 all over again.

 



FIN.

Wishing On Dead Stars (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon