Chapter 18

46 10 0
                                    

Gunther



Pumunta ako sa bahay nila Jaxon para kausapin siya. Tinawagan ako ni Auntie Agatha kanina at sinabing kausapin ko si Jaxon. Nagbabalak kasi siyang mag-aral abroad. Sa US siya mag-aaral para makasama niya ako dahil pupunta ako ng Massachusetts. Baka raw naging padalos-dalos si Jaxon, kaya ang sabi ni Auntie Agatha, pakiusapan ko na manatili nalang dito.

Jaxon won't listen. Buhay niya daw 'yon, kaya gagawin niya gusto niya. Gusto niya akong sundan. Auntie Agatha said that it's fine if all Jaxon wants is to study abroad, but Auntie knows that Jaxon wants to be there because of me. Nababahala si Auntie na pag aawayan namin ni Tyler ang gagawin niya. I told them that I already broke up with Tyler, I told Jaxon what happened. Sinabi ko pati ang dahilan kung bakit ako nakipag hiwalay. Hindi ko napigilan umiyak, niyakap ako nang mahigpit ni Auntie Agatha para patahanin ako.

Nang sinabi kong aalis na ako dahil sa labas ko na hihintayin si kuya na maghahatid sa akin pauwi, pinilit ako ni Jaxon na hawakan ang kamay ko. Pumayag ako, dahil pakiramdam ko, wala na akong lakas sa mga paa ko. Kailangan ko ng hahawakan.

Sa labas, nakita ko si Tyler.

Gusto ko sabihing walang kinalaman si Jaxon kung bakit gusto ko makipaghiwalay, na mahal ko siya kaya ko 'to ginagawa, pero inunahan ako ni Jaxon. Ang sinabi niya, siya ang dahilan ng lahat. Gusto ko magsalita, gusto ko i deny para hindi na masaktan si Tyler, pero ito lang ang alam kong paraan para hindi na niya ako habulin pa. Para akong pinapatay nang makita siyang umiiyak dahil sa'kin, at alam kong nasasaktan ko na siya nang sobra. Wala akong magawa.

Pumayag si Tyler na makipag hiwalay, lalong dinurog ang puso ko nang talikuran niya ako at umalis.

Hindi ba dapat masaya ako? Ito ang plano ko, ang hiwalayan niya ako, ang kalimutan niya ako, pero bakit parang pinupukpok itong puso ko? Nasasaktan ako at wala akong kalaban-laban.

Dumating si kuya dala ang kotse matapos ang ilang sandali. Nakita niya akong umiiyak nang sobra, nabahala si kuya, alam ko, pero hindi na siya nagtanong pa. Nagpaalam ako kay Jaxon, paalam lang ang sinabi ko kahit gusto ko pang mag salita.

Sorry nadamay ka pa, sorry kinailangan mo ko pag takpan, sorry nasasaktan ka dahil sa'kin, pero walang lumabas sa bibig ko dahil sa pagod. Pagod na pagod na akong umiyak. Lumalaban ako, tumatayo, pero palagi nalang pinararamdam sa'kin ng mundo na mas maigi sumuko. Hindi ko na kaya.



October 8, 1997

"Gunther?" malumanay ang boses ni Kuya Aki, hinaplos niya ang mukha ko para gisingin ako. Kinusot ko ang mata ko at nakitang nakangiti sakin si kuya. "May bisita ka, bunso."

Kumabog ang dibdib ko, inisip ko agad na si Tyler ang dumating. Hindi ko alam kung bakit pa ba ako umaasa na gusto niya akong makita kahit na sinaktan ko siya. Iniisip ko na pupunta siya sa bahay para sabihin na ayaw niya makipag hiwalay, na hindi niya kayang wala ako. I know I am selfish. Hindi ko na alam ang gusto ko. Dapat nga pumayag talaga siya makipag hiwalay, kaya nalilito tuloy ako ngayon kung bakit nagsisisi ako. Ito ang dapat. Ang mawala ako sa buhay niya ang dapat.

Matapos ko maghilamos, bumaba ako ng hagdan para puntahan sa sala ang bumisita. Nang makita kong si Orson ang nakaupo sa sofa, nawala ang pag-asa kong makita si Tyler. Niyaya niya akong mag kape sa isang café malapit sa bahay. Sumama ako sa kanya dahil sinabi niyang kailangan namin mag-usap.

"Kumusta ka?" unang tanong sa'kin ni Orson. "Mali, alam kong hindi ka okay. Gunther, hindi ko na kaya itago kay Tyler yung totoo. Sasabihin ko na kaya ka nakipag hiwalay kasi ayaw kami papirmahin ng Music Asia dahil lang sa inyong dalawa. Hayaan mo na, Gunther. Hayaan mo na akong pag-ayusin kayo. Hindi ko kayang nagkakaganyan kayong dalawa."

Wishing On Dead Stars (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon