Tyler
December 25, 1997
Hindi ko alam kung makakapagpaalam ako kay Gunther bago siya umalis. Hindi ako nakatulog. Kahit magkasama lang kami kanina, kahit sabay naming hinintay ang pasko, umuwi ako sa bahay nang hindi kuntento. Gusto ko pa siya makasama. Ilang oras na lang, lilipad na yung eroplano nila Gunther pa abroad. Maiiwan niya na ko. Magkakalayo kami.
Ate Moira tried comforting me, saying that this is the best for Gunther. How can this be the best when I am not on his side? Inggit na inggit ako kay Jaxon. Inggit na inggit ako na nakagawa siya ng paraan para makasama si Gunther. Habang ako, maiiwan ako na mag-isa at hindi alam kung makikita ko pa siya pagbalik.
Lumiwanag na ang langit, wala pa rin akong balak na bumalik kila Gunther. Ayoko. Ayokong mawalay sa kanya. Baka pigilan ko siya. Pero, mas okay na ‘to, kesa tuluyan siyang mawala sa'kin kung hindi siya gagaling.
“Son, are you not gonna say goodbye?” Dad went to my room and reminded me that I must go see Gunther, at least, one last time.
Napatingin ako kay Hyacinthus na nasa table ko sa kwarto. Nalalanta na siya. Napatayo ako bigla at tiningnang maigi ang hyacinth na bigay ni Gunther. Inuwi ko kasi ‘yon mula sa studio para mas masikatan ng araw. Pero kahit anong gawin kong alaga, tuluyan na siyang nalanta.
“Hindi pwedeng ikaw din, iiwan ako,” bulong ko kay Hyacinthus. Biglang nag-ring ang telepono, at agad ko ‘tong sinagot. Gunther called me. He’s waiting.
“Are you really not going to say goodbye?”
“Hindi ko kaya, Gunther.”
“But I’ll miss you,” dinig ko ang pag iyak niya. “I’ll miss you, but why don’t you want to see me?”
“I’m sorry. Hindi na ako magpapaalam. Hindi ko kakayaning magpaalam sa’yo. I love you so much, it’s killing me.”
“I love you too. Don’t forget me. I might be selfish. But I don’t want you to forget me. Huwag munang hahanap ng iba, ha? Saka na, kung patay na ko. Pero susubukan ko lumaban, para sa’yo. Para magkasama tayo ng May 4, 2016. Para makabalik ako sa’yo. You are my home, Tyler. Always.”
Hindi ko na kaya. Binaba ko ang telepono at lumabas ng bahay para sumakay sa kotse ko. Pupunta na ako sa mga Atienza. Pag parada ko ng sasakyan sa harap ng bahay nila Gunther, bumaba ako ng kotse. Sinilip ko ang nakaparadang sasakyan sa harap kung nakasakay doon si Gunther. Nilalagay pa lang ni Kuya Thirdy yung mga maleta sa likod ng kotse.
“Akala ko hindi ka na darating.” Gunther’s standing on the porch. Bukas ang gate kaya pumasok na agad ako. Nagmadali akong lumakad papunta sa kanya at hinila siya palapit sa'kin. Yumakap ako nang mahigpit. Akala ko, hindi na ako maiiyak, pero naiyak ako.
“6 seconds pa, please.” Hindi, kahit kailan, hindi sasapat ang 6 seconds para makasama si Gunther. “No, 1 hour. 10 hours. 1 day. Please. Dito ka muna sa'kin. Hindi ko kayang wala ka.”
“I love you so much, thank you for loving me. Thank you for making me feel worthy. Ikaw lang ang nakakita sa alien na ‘to. Ikaw lang ang nakaintindi ng lenggwaheng sinasalita ko. Ikaw lang ang tumanggap sa buong ako. Kapag nabuhay ako ulit, o kaya mabuhay ako sa ibang universe, ikaw pa rin pipiliin ko. Ikaw pa rin hahanapin ko. Wala akong pagsisisihan sa bandang nakilala kita.”
I kissed Gunther one last time.
With that, he was called by Kuya Thirdy. Lumabas na din sina Jane at Kuya Aki para makita si Gunther bago umalis. Tita niya lang ang kasama niyang lilipad pa States.
“I love you,” I muttered under my breath. Gunther waved at me, tapos pumasok na siya sa sasakyan. That is him, my great love. My Gunther. And even years pass by, he’ll remain as my Gunther. He is my world. He is my everything.
BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
RomanceTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...