Gunther
December 1, 1995 - Sophomore year
I don't belong here. I can't even make a decent conversation with anyone.
Iniisip ko tuloy minsan, tama si kuya, hindi na talaga ako dapat lumabas pa ng bahay.
Hindi para sa akin ang labas, at para sa mga katulad kong alien, mas ligtas ang loob ng bahay. Home schooled ako simula pagkabata, at never ko na-experience ang maglagi ng school. Natakot si kuya na baka marami akong hindi ma experience kung sa bahay lang ako hanggang college kaya pumayag si kuya na lumabas ako at sumubok sa university.
"Hello, nandito ba si Tyler?"
Tanong ako nang tanong sa mga tao sa Mayric's pero hindi nila ako pinapansin o nililingon man lang.
Hindi para sa akin ang labas.
Hindi ako kabilang sa mga tao sa labas.
Pumunta ako ng Mayric's sa Maynila kahit hindi ako gumagala talaga kung saan-saan. Usapan namin ng kuya ko na uuwi ako agad pagkatapos ng klase ko sa UP pero kailangan kong makausap si Tyler Tuazon. Kaklase ko siya sa Earth Science at partners kami sa isang research paper. Tyler plays with his band on university events. He is reserved and mysterious, but his great looks could charm anybody.
We haven't spoken to each other even for a second. But today, I mustered courage to speak to him about our research paper. Ilang araw siyang absent at malamang hindi niya alam na kailangan namin gumawa ng research paper kaya ako na ang nag adjust para makausap siya.
Tyler is After Apollo's frontman. Tumutugtog sila sa iba't-ibang music club. Hindi pa ako nakakapunta sa music club, ni isang banda wala pa akong napakinggan nang harapan.
I squeezed my way through the crowd to see After Apollo and their frontman. Inisip ko kung paano ko siya malalapitan at makakausap pero isang kanta lang ang kinailangan para mawala lahat ng inipon kong lakas ng loob kanina.
Most of the new bands played Eraserheads songs, but After Apollo sang Radiohead's Creep. There, I saw what people saw in Tyler Tuazon.
Tyler, well, he is everything I am not. Sobrang lakas ng stage presence niya at habang kumakanta siya, para bang nasa sarili siyang mundo. Wala akong alam sa music at para sa akin, bands all sound the same. Napatagal ang tingin ko kay Tyler dahil sa passion niya sa pagkanta.
They are not popular, some bands are way well known but looks like Tyler doesn't mind it as long as he could sing. Gusto ko din maging ganon, yung naliligaw ka sa sarili mong mundo dahil passionate ka sa ginagawa mo.
Sabi nila, 60 to 100 beats per minute ang healthy heart rate at rest ng isang tao. Pero pakiramdam ko, para akong tumatakbo habang pinapanood ko si Tyler. My heart is putting extra effort into pumping blood through my system because of this one man's presence.
He is singing so good, and I relate to that song. Pakiramdam ko kinakausap niya ako habang kumakanta siya. It was like he knows what I am feeling.
Sa huli, umalis din ako agad pagkatapos kong pakinggan ang Creep. Wala akong tapang para kausapin siya. Mas lalo lang akong na-intimidate at hindi ko alam ang gagawin ko kapag kaharap ko siya.
Hindi ko na sinabi pang partners kami sa research. I did everything alone, but I included him in my work. My kuya would be mad if I'll say that I gave a free pass to someone in doing a school work but I did that to thank Tyler.
Kahit papaano kasi, pakiramdam ko, tao din akong nakakaramdam ng emosyon simula nang mapanood ko siya sa Mayric's. I would admire him from afar on our shared classes. Sometimes I wish on stars to make a dream come true. But with Tyler, wishing to be close to him is like wishing on dead stars, and to wish on a dead star is wishing something that could never be granted.
BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
RomanceTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...