GuntherJuly 1, 1997
Abala ang mga Apollo sa rehearsal dahil sa nalalapit na audition sa Music Asia. Aside from the music audition, meron pang music festival next week. Ayokong abalahin si Tyler kaya iba muna ang pinagkaabalahan ko. I found out that Winster is actually Jaxon's cousin and I never heard of him before because he was staying in Canada but he went back to Philippines when he's in high school, same year he met Brix Chua. Ang liit talaga ng mundo, at kung iisipin, matagal na kong may koneksyon sa mga Apollo dahil lang kaibigan ko si Jaxon. Ewan. Baka yun lang ang sinasabi ko para lang i-justify yung thought na naka tadhana kami ni Tyler na magkita.
"Asan sila Kuya?" tanong ko kay Jane pagbaba ko ng hagdan. Nasa sala siya at nanonood ng TV. Jane's watching the flight schedules on one channel and I was confused why Jane is staring at the screen intently.
"Umalis sandali. Saan ka pupunta? Bakit nakaayos ka? Bawal ka umalis!"
"Sandali lang ako! Pupuntahan ko lang si Jaxon." I said I am going there so I can ask him to help me with the Brix and Winster situation. Siniguro ko din na nagpaalam ako kay Tyler para hindi siya mag-isip ulit ng kung ano kapag magkasama kami ni Jaxon. He mysteriously allowed me that easily and he sounds cheerful when I called him. Sabi ko, baka natakot lang na mag-away kami ulit kaya pumayag.
I told Jane that I'll be home in an hour since Jaxon is only at Diliman. Pumayag si Jane dahil nangako akong babalik ako kaagad. I left immediately. Hindi ko nga lang talaga sigurado kung makakabalik ako sa isang oras kasi palala nang palala itong traffic.
Sumakay ako ng jeepney sa station tapos sumakay na ako ng ikot jeep na magdadala sa akin kung nasaan si Jaxon. Hindi ko alam kung kasama pa din siya sa Track and Field team kahit graduate na siya pero alam kong kasama pa din siya sa training. I saw Jaxon immediately and I waved at him. I was able to see him easily because he is the tallest among them.
Naupo muna ako sa bleachers tapos pinanood ko sila Jaxon na tumakbo. There, I was beyond amazed. Ganito pala kagaling si Jaxon. Akala ko noong una, sakto lang yung talent niya sa sports kasi masyado niyang binababa sarili niya sa'kin. But seeing him now, he runs like a sound traveling in space. Kumindat sa akin si Jaxon nang makita niya ako. I furrowed my brows in return. Tumawa siya nang makita ang reaksyon ko tapos nilapitan niya ako pagkatapos nilang maglaban.
"Pinuntahan mo pa talaga ako dito, ah? No wonder, nagseselos palagi sakin si Tyler."
"Hindi, I went here because of your cousin, Winster. Atsaka, alam ni Tyler na pinuntahan kita, hindi siya magseselos." Nirolyohan ako ni Jaxon ng mata habang umiinom siya ng tubig. "Sige na, help me. Kailangan magkabati ni Brix atsaka Winster."
"Badtrip, sinisira mo naman yung pagmamalaki ko, eh. Eh kung pinsan ko pala dahilan nang paglapit mo sakin, edi ayoko." Tinalikuran na ako ni Jaxon at ako naman itong nagmamakaawang lumapit sa kanya. Minsan talaga, kuhang-kuha niya ang asar ko pero ayoko mag reklamo dahil siya ang makakatulong sa'kin. "Date tayo."
"Ayoko!"
"Sobrang pagkaayaw 'yan, Gunther. Grabe ka, ako ang childhood best friend mo." Hindi siya bibigay hangga't nasa kanya ang upper hand. Kailangan ipakita kong kaya ko kumilos mag-isa kaya nagkunwari akong aalis. "Teka!" As I expected, he stopped me from leaving. Pumayag na siyang kausapin si Winster para makipag-ayos kay Brix. "Gumagaling ka na mang-uto."
"Natuto lang ako sa'yo."
Biglang bumuhos ang malakas na ulan tapos kaya kumaripas kami ng takbo papunta sa silong. Nang medyo humina ang ulan, pinuntahan namin ang sasakyan niya sa AS parking lot. Nag-alala ako sa kanya nang sumugod kami sa ulan. Pawis na pawis pa siya kakatakbo tapos bigla siyang naulanan. Baka magkasakit siya.

BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
RomanceTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...