Chapter 19

50 11 3
                                    

Tyler




"Jaxon..." nadinig kong tinatawag ni Gunther ang pangalan ni Jaxon. I wanted to punch Jaxon so bad, I don't want him here, not on my birthday celebration, not on the same space I am in. Pero wala akong magawa, nandito siya, at hinahanap siya ni Gunther. My day is ruined, not when Jaxon came, my day is ruined from the moment I said those things to Gunther. I am hurting, I did what I did to cope.

Nilipat sa ospital si Gunther. Sumunod doon si Jaxon, Jane, at Sion. Naiwan kami ni Orson dito sa resort. I went back to the bar to calm my nerves, and Orson went with me. Hindi ako nagsalita, hinayaan din ako ni Orson na huwag nang magsalita.

Nang hiwalayan ako ni Gunther, ginawa ko lahat para mamanhid. Para hindi ko na maramdaman ang sakit. Pero walang dami ng yosi at alak ang maka alis ng sakit na nararamdaman ko. Napabayaan ko na ang sarili ko, napabayaan ko na ang pag kanta, wala na akong direksyon.

Nagulat si Orson nang bigla akong tumawa. Natatawa ako sa sarili ko, ang laki kong walang kwenta. I am a wreck without Gunther. He is the only one who can fill this void in my heart. It is him who can end this torture. But he doesn't want me anymore, wala na akong halaga sa kanya.

"Pare, tama na." Mula sa sapilitan kong pagtawa, bigla akong naiyak. Tumulo nalang ang luha ko. Pagod na pagod na kasi ako. Wala na akong makapitan. Pilit na inaagaw sa'kin ni Orson ang baso ng beer na hawak ko, magkatabi kami sa bar at parehong walang ibang magawa kung hindi idaan sa inom ang nangyari.

"Tyler!"

Galit na sumugod sa'kin si Brix at hinawakan ako sa kwelyo. Umaawat sa kanya si Alrissa na mugto na din ang mata sa kakaiyak.

"Sinabi mo ba talaga 'yon kay Gunther? Totoo ba yung sinabi ni Jane sa'kin na pinagsalitaan mo nang ganon si Gunther?" inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. Ibinalik ko ang atensyon ko sa beer na iinumin ko dapat kanina. "Bakit kailangan mo siyang saktan nang ganon?!"

"Tama na, Brix." Hindi ko alam kung bakit umiiyak si Alrissa, siguro dahil sa kaba sa nangyari kay Gunther, pero lumuluha siya habang inaawat si Brix. Tinitingnan ko si Orson pero iniiwasan niya ang tumingin sa'kin. Hindi ako sumagot kaya lalong nagalit si Brix. Sinapak niya ako at nahulog ako sa sahig. Hindi na ako gumanti. Kailangan ko 'yon, kailangan ko masapak.

"You don't know how much he sacrificed for us!"

Sacrifice?

"Hindi mo ko maintindahan. Hindi niyo ko maiintindihan. Akala mo ba gusto ko sabihin 'yon kay Gunther? Hindi, pare. Hindi mo ba siya kilala? Alam mong mag-aalala 'yon, e. Kahit mahal niya si Jaxon, mag-aalala 'yon sa nararamdaman ko. Gagawin niya lahat para hindi ako masaktan, kahit pa hindi niya na sundin yung kasiyahan niya. Kailangan ko sabihin 'yon para hindi na siya maawa sa'kin. Para hindi na siya mag-alala. Kailangan ko ipamukha na okay ako na mapunta siya kay Jaxon kahit yung totoo, para nang pinipiga nang paulit-ulit 'tong puso ko. Kailangan maisip niya na balewala na siya sa'kin para maging masaya na siya doon kay Jaxon."

"Hindi naman niya gusto si Jaxon, e." Alrissa finally said, parehong napalingon sa kanya si Orson at Brix. Gusto siyang pigilan ni Orson na magsalita pero si Brix ang nagsabi na hayaang magsalita si Alrissa."Kasalanan ko, Tyler. Please, I'm so sorry."

"Ano bang sinasabi niyo? Hindi ko maintindihan?"

"Gunther is dying."

Sinabi nila sakin lahat.

Lahat-lahat.

"Gunther... " bumyahe ako pabalik ng Manila para puntahan sa ospital si Gunther. Hindi totoong mahal niya si Jaxon kaya siya nakipaghiwalay. Ginusto niyang makipag hiwalay para lang mapag patuloy ko yung kagustuhan ko na makatugtog sa mainstream. Sabi kasi nila, bakla daw ako. Wala silang pakielam, bakla kung bakla, kung sa ganitong paraan ako magmamahal, itawag nila ang gusto nilang itawag.

Wishing On Dead Stars (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon