Chapter 11

83 14 1
                                    


Tyler






June 30, 1997

I'm an asshole. Isa akong malaking gago dahil sinabi ko 'yon kila Orson at Gunther. Nasaktan ko sila pareho pero mas sobra kong nasaktan si Gunther. Hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko dahil mali ako. Mataas ang ego ko at hindi ko kinausap ang banda. Ni isa, wala talagang naunang kumausap sa akin. Ilang araw kaming hindi nag rehearse. Meron pa kaming susunod na gig.

Nahihiya akong tawagan si Gunther dahil sa mga sinabi ko ng gabing pumunta siya sa bahay namin. That was his first time going to my place but I made that horrible.

Nagbakasakali akong pumunta sa studio para tingnan kung pumunta sila Orson pero si Brix lang ang nakita ko doon. Nakaupo siya sa couch at tumutugtog ng gitara.

"Alam kong pupunta ka dito. Hinintay talaga kita. Wala si Orson. Gusto raw mapag-isa. Si Sion, hindi daw siya sasama hangga't hindi tayo nagkakaayos at hindi tayo tumitino." Diretsong sabi ni Brix nang hindi nakatingin sa'kin. Anong klase akong kaibigan kung hindi ako makikipag-ayos?

"Eh, ikaw, bat ka nandito?"

"Because I was wrong. Mali ako. At sabi ni Gunther, kailangan kong sabihin kung anong nag bobother sa'kin para hindi maipon yung nararamdaman ko dito," Brix is pointing at his chest at nakatingin na siya sakin ngayon. "Sorry, pare. If you didn't notice, I tried to be distant. Nung tinanong kita at dineny mo saking gusto mo si Gunther, nakita ko yung sarili ko sa'yo. I got pissed at you. Ang taas kasi ng tingin ko sa'yo, okay? Tapos sabi ko nung dineny mo si Gunther, ay, wala din pala 'to. Parang ako lang din. Nakalimutan ko, kagaya ko, baka nahirapan ka lang din. Binigyan kita ng galit na binibigay ko sa sarili ko. Hindi mo deserve 'yun. I'm sorry."

Natulala ako kay Brix. Ngayon lang siya nagsalita ng ganon sa akin. Akala ko pare-pareho kaming matataas ang pride at ganun ang pagkakilala ko kila Sion simula palang.

"Hoy, magsalita ka nga. Mapapahiya na ko."

Kailan kami nagsimulang maging ganito? We were never open with our feelings. Siguro, iba lang talaga epekto samin ni Gunther. Mapipilitan ka kasi maging mabait kapag nakakasama mo siya. Anong dapat kong sabihin kay Brix? Should I apologize as well? Mag-sorry kaya ako nung nawala yung susi ng kotse niya tapos ang totoo tinago ko kasi asar na asar ako sa kalokohan niya ng mga panahong yun? Required din ako mag sorry sa lahat ng mga pagkakataong naging selfish ako.

"Oks lang. Sorry din sa mga panahong naging walang hiya ako. Pero deserve mo kasi--"

"Mag sosorry ka nang maayos o pipilitin ko si Gunther na makipag hiwalay sa'yo?"

"Ito na nga! Sorry din sa mga kagaguhan ko. Wala na 'yun. I am still working on being a better person for my Gunther." I can see his face scrunch at the mention of "my Gunther." Well, he is my Gunther. Napaka walang hiya kong pinaiyak ko siya ng gabing pinuntahan niya ko. Babawi ako at wala na akong takot ngayon, "At nagkamali ako kaya sorry. Huwag ka nang mag tampo. Ano bang sunod dito? Magyayakapan tayo?" Brix looked at me like he was disgusted by the thought. Ang kapal nito, siya nakikipag ayos pero ako pa itong pandidirihan.

"Hindi kailangang yakapin mo ko. Makipag-ayos ka kay Gunther. Ayusin mo issues mo kay Jaxon. Isipin mo maigi, magsosorry ka ngayon kay Gunther, pero kung palaging pag-iinitan mo siya sa tuwing kasama niya si Jaxon, ano ba dapat ang gawin mo? Mauulit lang yung selos mo tapos paiiyakin mo na naman Gunther ko." I'm not fine with, 'Gunther ko,' Gunther is not his, but he has a point so I let that slide. After we talked, dumiretso ako sa mga Atienza para puntahan si Gunther. Handa akong masapak ni Kuya Thirdy kung sakali. Hindi ko lang kaya ang sapak ni Kuya Aki dahil marunong siyang mag martial arts at hamak na walang hiyang musikero lang ako. Hindi ako makakalaban.

Wishing On Dead Stars (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon