Gunther
When Tyler said we should watch a movie in the cinema, I remember that we have never watched in a movie house together yet. I am excited to be with him, and just the idea of spending time with him makes me enthusiastic.
When Orson came and said that Tyler should go, I really didn't want him to. Ngayon ko nalang kasi siya ulit nakasama. But if I'll let him tell Mr. Cruz that he cannot go, baka mawalan ng gana si Mr. Cruz na tulungan ang banda. I can see that Tyler is Mr. Cruz' favorite and I don't want him to disappoint.
Hinayaan kong sumama si Tyler kila Orson. I told myself that I'll be waiting, baka kasi bumalik agad si Tyler. I strolled the shops by myself and I ate lunch alone. Biglang tumunog ang beeper ko at inakala kong si Tyler ang nag message.
'Tyler told me to watch movie with you. I'm going. Dyaan ka lang.'
It was Jaxon who sent me a message. Nagulat ako nang si Tyler mismo ang nagsabi kay Jaxon na samahan ako dahil ibig sabihin, hindi na siya naiinis sa tuwing magkasama kami ni Jaxon. It's a relief.
Dahil wala akong resource para masabi kay Jaxon kung nasaan ako, pumunta muna ako sa isang payphone booth para tawagan ang operator at sabihin kay Jaxon kung saan kami dapat magkita. Tumingin ako ng CD sa Tower Records. I am imagining of seeing the Apollos' albums in the racks. Bumili ako ng ilang pwede kong pakinggan tapos hinintay ko si Jaxon sa labas. Habang wala siya, nakaramdam ako ng hilo at pagod. Umikot bigla ang paningin ko at akala ko, tutumba ako. There are worried gazes being thrown my way and I got confused why people are looking at me. I felt something drip on my hand and it is blood. Nanlaki ang mata ko. Kinapa ko ang ilong ko and alam kong dumudugo ulit ito.
"Gunther!" pagkalingon ko sa tumawag sa pangalan ko, nakita ko si Jaxon. Hinawakan niya ang mukha ko at bakas sa mata niya ang pag-aalala. He lent me his hanky so I can stop my nose from bleeding. "Ang putla mo. Gusto mo dalhin kita sa hospital?"
Hindi niya ako hinintay sumagot. Hinila niya na ako agad papunta sa parking area para bumalik sa kotse niya. He drove his car and we went to a nearby hospital. Nurses let me lay down on the bed. I am at the ER. Sinabi ni Jaxon sa doctor ang tungkol sa sakit ko. Kuya Thirdy told him everything that he must know about my condition so he could protect me. I really don't know how they could protect me when I cannot protect myself from my own body.
They took blood test and other tests to assess my condition. Sinabi kong may mga gamot akong iniinom para gumaling ako sa Aplastic Anemia. Nilipat ako ng ospital at dinala ako ni Jaxon sa ospital kung nasaan ang doctor ko. Sabi niya, baka raw mas alam ng doctor ko ang gagawin dahil mas matagal niya nang ginagamot yung sakit ko. Naghintay kami ng matagal para makausap si Doctor Suarez and when I was able to come inside his office, pakiramdam ko, matutumba ako bigla sa hilo. Iniupo ako ni Jaxon at inalalayan.
"Are you still taking your medicine? Hindi ka dapat nakakalimot sa gamot mo. Well, I need to talk to your Kuya Thirdy. Baka kasi hindi na tumatalab yung gamot mo. Lumalala ang sakit mo. We might try other options. I'll explain what we can do to treat your illness."
Pagkalabas ko ng office ni Doctor Suarez, para akong nanghina. Hindi na tumatalab ang gamot ko, well, baka hindi na nga talaga. Pagod na akong isipin na gagaling ako pero bigla na naman akong magkakasakit. Nang pasakay na kami ni Jaxon sa kotse niya sa labas, naramdaman niya yata ang lungkot ko at bigla niya akong niyakap. Gusto ko maiyak sa balikat niya. Gusto ko ngumawa na parang bata pero kapag ginawa ko yun, baka akalain ng universe, natalo niya na ako. Lalaban pa ako sa universe kagaya ng laging sinasabi ni Tyler.
"Sasabihin mo ba?" Jaxon asked me while I am still in his arms.
"Kila Kuya Thirdy? Kailangan. Kahit pagalitan niya ako, kailangan ko sabihin sa mga kapatid ko. Kawawa naman si Kuya Thirdy, lagi na lang siyang nahihirapan dahil sa'kin. Jaxon, tingin mo, the universe wants me dead?" biglang humigpit ang yakap niya at naluha na ako sa biglang pagsiksik ng mukha niya sa leeg ko na para bang ayaw niyang lumayo sa'kin.
BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
RomanceTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...