Gunther
August 10, 1997
Pagkagising ko, inilapit kaagad ng pinsan ko ang telepono sa'kin. Tumatawag daw si Tyler kaya kahit inaantok pa ko, sumagot ako sa tawag.
"Gunther, we made it to Music Asia! We will be signing with a record label!" nanlaki ang mata ko at halos mapasigaw ako sa tuwa.
"I know you can do it!"
"Hintayin mo lang. Sisikat 'tong boyfriend mo. Tapos, habang nag-aaral ka sa med school, gagawa ako ng mga kanta para ganahan ka mag-aral. I want you to be proud of me."
"But I am proud of you! Dummy!" ang sarap sa puso na madinig ko siyang sobrang saya. Maybe, he felt like on cloud 9. To fulfill one's dream is such a great feeling. I suddenly spaced out when I remember something.
Naalala ko bigla yung pinag-usapan namin ni Winster nang nagpahatid ako sa kanya papunta sa bar para sa despedida ni Tito Ricky. Madami kaming napag-usapan, kagaya ng madalas siya sa bar nila Tito Ricky kasi gusto niya pa din makita si Brix kahit nasaktan na siya noon. Ang isa pang kwento niya, tungkol kay Jaxon. Malungkot daw si Jaxon at pakiramdam nito, malayo ako sa kanya kahit anong effort niya ayusin yung sinira niyang pagkakaibigan.
Hindi ko ginustong maramdaman niya 'yon.
"Hey, bakit ka natahimik?"
"Tyler, pwede ba akong umalis kasama si Jaxon? Sa Glico's lang kami." Siya naman ang biglang natahimik. "Kung hindi ayos sa'yo, okay lang."
"No, go with Jaxon. It's okay."
"Thank you. Mag-iingat ako. Sasabihan kita kapag nakauwi na ako."
Nagmadali na akong magbihis pagkababa ko ng telepono. Pupunta ako sa bahay nila Jaxon para ayain siya pumunta sa amusement park. Si kuya Aki ang maghahatid sa akin at tumawag na lang daw ako kung magpapasundo na ako. Si Auntie ang sumalubong sa akin pag punta ko sa bahay nila Jaxon. Siya na din ang gumising kay Jaxon dahil daw tulog pa ito. Nagmadali nga daw na maghilamos nang malamang naghihintay ako sa baba.
"Bakit bigla kang pumunta dito?" pupungas-punas pa si Jaxon nang bumaba siya sa hagdanan para puntahan ako sa sala nila.
"Para makipag-bonding! Ang tagal na nating hindi nag bo-bonding!" ayokong maramdaman ni Jaxon na siya lang ang nag e-effort na maayos ulit ang pagkakaibigan namin. Hindi ko gusto na maramdaman niya 'yon.
"Pumayag si Tyler?" tumango ako sa tanong niya. He crossed his arms and avoided looking at me. "Ayoko." Nawala bigla ang ngiti ko. I lowered my head to hide the frown on my face. Tumayo ako para magpaalam.
"Sige, aalis nalang ako." Biglang hinawakan ni Jaxon ang kamay ko tapos hinila.
"Sige na nga. Para ka namang inabandonang kuting." Sa saya ko, yumakap ako sa kanya tapos kinurot ko siya sa tagiliran. "Nangurot pa!"
Pinlano ko ang buong araw namin. Ipaparamdam ko na ako pa din yung Gunther na maliit na childhood bestfriend niya. Nagmaneho si Jaxon pa Quad tapos nag Glico's kami. Kumain muna kami sa Tropical Hut tapos nanood kami ng water fountain. Pinilit ko siyang sumakay sa carousel kahit pang bata ang ride na 'yon at pumayag din si Jaxon dahil sabi ko, malulungkot ako kapag di ako nakasakay sa kabayo. Dalawa kaming sumakay sa magkahiwalay na kabayo kaya tawa ako nang tawa sa itsura niyang hindi natutuwa.
Pinagtitinginan kami ng mga bata at matanda pero ayos lang 'yon. Ang mahalaga, ma enjoy naming dalawa ang araw na 'to at makasubok ng mga hindi pa namin nagawa noon.
"Jaxon, ano 'yon?" tinuro ko yung kumpulan ng mga bata tapos nakita ko na yung Glico's mascot pala ang nandoon. "Doon tayo!" hinila ko si Jaxon papunta sa mascot para makayakap kami.
BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
RomanceTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...