Chapter 23

55 5 0
                                    

Tyler




November 20, 2005

"Basta kasado na plano, ha. Walang papalpak."

"Pare, kasal ko ba 'to o iyo? Inaagawan mo ko ng eksena, eh," sabi ni Orson sa'kin habang inaayos yung necktie niya. Nasa kwarto kami sa isang hotel at hinihintay namin dumating si Sion para makaalis na kami at makapunta na ng simbahan. Oo, sabay-sabay kaming pupunta ng simbahan. Si Orson ang magmamaneho para sa amin kahit araw nila 'to ni Alrissa.

"Pare! Ano! Nandito na ba si Gunther?" unang sabi ni Brix pagkapasok niya ng kwarto. Pare-pareho kaming excited na makita si Gunther. Hindi nga namin malaman kung mas excited si Orson sa kasal niya o makita si Gunther ulit dahil panay din ang tanong niya sa akin kung nakarating na raw ba sa Pilipinas yung eroplanong sinasakyan nila Gunther at Jaxon.

"Ewan ko, hindi pa nagsasabi si Jane. Siya magsusundo doon sa dalawa."

"Ayos, ayos. Teka, patingin ako sa salamin," sumilip si Brix sa malaking salamin kung saan nakatingin si Orson para mag-ayos.

"Doon ka na nga! Huwag ka masyadong magpagwapo! Ako dapat bida!" nag-away pa silang dalawa ni Orson dahil panay ang pag aayos ni Brix sa salamin. Ayaw ni Orson na masyado siyang magpagwapo dahil baka raw ma outshine niya si Orson na dapat bida sa kasal niya. Nagbiro pa si Brix na hindi niya raw kasalanan kung siya ang pinakapogi sa amin. Tutol ako roon. Ako ang pinakapogi sa mata ni Gunther.

Alam kong kinakabahan si Orson pero nakikisabay din itong kaba ko dahil sa nakahandang plano mamaya para kay Gunther. Nasabi ko na sa kanilang lahat yung binabalak ko at pumayag silang lahat doon. Magtutulong-tulong kami para maisagawa yung gusto ko.

Matapos ang isang oras, tumawag si Jane sa cellphone ni Brix para sabihing kasama niya na sina Gunther at Jaxon. Biglang bumilis yung kabog ng dibdib ko. Matapos ang ilang taon ng pagtatyaga na makausap siya sa telepono at mga sulat, makikita ko na ulit si Gunther. Sobrang hibang ko talaga sa pagmamahal. Hindi ko akalain na kahit lumipas pa ang mga taon, pareho pa rin yung pagmamahal ko kay Gunther.

Hindi ako magsisinungaling at sasabihing hindi ako tumingin sa iba. Sinubukan ko rin magmahal ng iba. 'Yong mga pagkakataong naging mahina ako at wala si Gunther sa tabi ko, inisip ko din na maghanap ng makakasama ko at magmamahal sa'kin. Pero kahit ilang tao pa ang dumating, kahit ilang tao pa ang sinubukan ko mahalin, walang papantay dito sa tinitibok ng puso ko kapag si Gunther ang usapan.

"Pare, ang tagal mo!" sabay-sabay naming sabi nang pumasok ni Sion sa kwarto matapos siyang pagbuksan ng pinto ni Brix. Sumama pala siya kay Jane sa airport dahil hindi niya raw matiis na hindi makita agad si Gunther. Wala ni isa sa amin ang nakalimot kay Gunther. Palaging nagpapadala ng mga sulat sa kanya sina Orson, Brix at Sion tapos siya din ang una naming pinapadalhan ng album namin sa tuwing naglalabas kami ng bago. Siya talaga ang number one fan ng After Apollo at kinikilala namin 'yon. Walang makakapalit kay Gunther sa posisyon niya bilang mascot ng mga Apollo. Nag-iisa siya para samin. Lalong nag-iisa siya para sa'kin.

Dumiretso na kami sa simbahan matapos dumating ni Sion. Maraming mga bisita ang dumating. Dumating pati ang mga kaibigan namin sa industriya. May mga sikat na tao, mga celebrity na hindi talaga close ni Orson pero napakiusapan niyang mag ninong sa kasal nila ni Alrissa. Kabadong-kabado na si Orson na naghihintay sa pagtapak ni Alrissa sa simbahan at bilang best man niya, siyempre, mas lalo kong pinakaba ang kaibigan ko. Para saan pa ang pagkakaibigan kung hindi kami maghihilahan pababa. Biro lang.

"Pare, nandyan na siya," bulong ni Orson sa'kin. Pumasok sa simbahan si Gunther kasama ng ilan pang mga bisita at pati ni Jaxon.

Nang sandaling 'yon, inisip ko na kami yung ikakasal. Nakangiti si Gunther habang sinasalubong siya ng yakap at beso ng iba pa naming mga kaibigan. Naupo siya sa tabi ni Jaxon at Jane. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Kahit si Orson at Alrissa ang bida sa kasal na 'to, para sa akin, si Gunther lang ang pinaka magandang lalaki na nakita ko. "Laway mo, tumutulo," biro ni Orson nang napansin niyang kanina pa ako nakatitig kay Gunther.

Wishing On Dead Stars (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon