Gunther
I'm so tired.
I've been going in and out of the hospital for days. They connected a Hickman catheter in my chest, a line that is direct to my heart. It was put in so I could easily receive the treatment. It was uncomfortable and I kept on telling Kuya Aki that I want to pull it out but he scolds me and said that I am already so stubborn. I received my 4-day ATG treatment and I was given medicine. Sawang-sawa na ako sa gamot. It's like I am taking medicine for my breakfast, lunch, and dinner, pero ayoko nang mag reklamo dahil alam kong nahihirapan na din sila kuya. Salitan sina Kuya Aki at Kuya Thirdy sa pagbabantay. Kapag pupunta sila ng work, si Tita ko ang magbabantay sa'kin. Jane couldn't visit me because of work.
The Apollos visited me one time with Alrissa. Wala si Tyler, at inisip ko na galit pa din siya sa'kin. The last time we talked, it was clear that he already got over me. But then, Alrissa told me that Tyler now knows the truth.
"Ayaw namin na mahirapan pa si Tyler. Kaibigan ko kayo pareho. Sinisisi ko kasi sarili ko na naghiwalay kayo. Dapat hindi na lang kita pinakausap kay Papa. Edi dapat hindi na kung ano-ano ang naisip mong plano," sabi ni Alrissa na nakasimangot at mukhang natatakot na magagalit ako. Nginitian ko siya at sinabing wala siyang dapat ipag-alala.
"Hindi ako makatulog kakaisip kung kumusta ka. Ayos na din 'yon, hindi ko masyado naiisip si Winster kasi nag-aalala ako sa'yo," sabi ni Brix na nagbabalat ng apple sa tabi. Hiniwa niya sa maliliit yung apple tapos sinubuan ako ng isa. Susubuan niya pa dapat ako nang biglang kinuha ni Orson ang kamay niya tapos inilapit sa bibig niya. Kinain niya yung apple kaya kumunot ang noo ni Brix.
"Kay Gunther ko 'yan, e! Napakatakaw mo talaga, dapat hindi kita tropa, e!"
"Isa lang. Napakadamot nito, kulang ka nga ng sikwenta nung binili mo 'yang mga apple. Ako nagbayad. Yaman mo, wala kang cash."
"Oh, hindi nakasagot si Brix, di niya alam kung magkano yung singkwenta," nang-inis si Alrissa at talaga ngang hindi nag react si Brix dahil hindi niya alam kung ano yung singkwenta. Napunta ang atensyon ko kay Sion.
Kanina pa siya hindi umiimik, nasa bulsa ang mga kamay niya, at nakasandal siya sa pader.
Nag-aya mag lunch si Alrissa at sinabing bibilhan din ako ng pagkain. Sumama sa kanya si Orson at naiwan sa kwarto si Brix at Sion. Nagpaalam si Brix na bibili lang ng kape sa vendo machine kaya si Sion na lang ang naiwan.
"Huy, kanina ka pa hindi umiimik. Hindi ako sanay. Anong nangyari sa'yo?" kinausap ko si Sion. Lumingon siya sa akin tapos lumapit. Naupo siya sa gilid ng kama at tumitig sakin.
"Daya mo, e. Ako lang bukod kay Tyler hindi nakakaalam na may sakit ka. Parang mas kaibigan mo si Brix kesa sakin. Parang mas tiwala ka kay Orson. Ako yata pinaka ayaw mong Apollo."
"Aba, nagtampo. Wala po kaya akong pinagsabihan."
"Paano kung ayaw namin na makipaghiwalay ka kay Tyler? Paano kung aayaw na lang kami sa Music Asia kung problema sa kanila kapag bakla yung miyembro ng banda? Ayaw ko, e. Kaya ka pala matamlay sa beach. Ayaw ko nang ganon ka, e. Nahihirapan ako, e. Alam mo bang umiyak ako dahil sa'yo? Pucha. Hindi ako umiiyak sa harap ng mga tao, Gunther. Mas lalaking lalaki raw kapag hindi umiiyak. Ikaw lang kasi nagpaparamdam na ayos lang umiyak sa harap mo, e. Na hindi mo kami ijujudge kahit gaano kami kahina. Iiyak ako sa harap mo kung kailangan."
Pinisil ko sa pisngi si Sion tapos ngumiti.
"Naalala mo yung regalo mo sa'kin na wand? Sabi mo, hihiling lang ako, tapos pagbibigyan ako non kung anong hihilingin ko. Wish ko na ituloy niyo yung pagtugtog under Music Asia para makarating na music niyo sa mainstream. Wish ko na maging sikat yung After Apollo. Wish ko na makahanap si Sion ng magmamahal sa kanya para hindi siya mag-iisa. O diba, sulit."
BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
RomanceTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...