Tyler
February 14, 2016
Natutulog pa si Gunther. Mabuti na lang hindi niya naabutan na nagluluto ako sa kusina dahil masisira ang surpresa ko para sa kanya. Nag handa ako ng almusal para sa kanya na dadalhin ko sa kwarto pagkagising niya. Pagbalik ko sa kwarto, hinaplos ko ang pisngi niya at bigla niyang binuksan ang mata niya.
“Good morning, husband,” he whispered with a yawn. Inilagay ko sa maliit na lamesa ang tray ng pagkain tapos ipinatong ko ‘yon sa kama.
“Breakfast in bed.” Humalik ako sa pisngi niya tapos ngumiti siya sa akin. Ang ganda ng ngiti ni Gunther. Kahit buong buhay ko na lang titigan ‘yon, ayos lang sa akin.
“Lunch na!”
Sinubuan niya ako ng kapirasong tinapay. Pinanood ko lang siya kumain at tiningnan ko ang reaksyon ng mukha niya. Gusto ko kasing malaman kung masarap yung hinanda ko para sa kanya. Toasted bread with butter and jam lang ang hinanda ko pero kung kumain si Gunther, parang mula sa 5-star restaurant yung ibinigay ko sa kanya. Muntik ko pa nga masunog yung itlog na niluluto ko kanina na kasama din dito sa almusal na hinanda ko.
Pagkatapos kumain, dahan-dahan siyang bumaba ng kama. Sinabi niya na magtitimpla daw siya ng kape para sa akin pero bago pa siya makahakbang, bigla siyang natumba. Agad akong tumayo para puntahan siya. Madalas manghina si Gunther nitong mga nakaraang araw. Binigyan na siya ng mga gamot pero parang walang nagiging epekto sa kanya ang mga ‘to. Kung pwede lang na ako nalang ang pumasan ng hirap at sakit ni Gunther, ginawa ko na.
“Husband, I’m sorry that I’m useless.”
“Yung paglilinis, paghahanda ng pagkain, pagtimpla ng kape, ako na ang gagawa non. Pwede mong iasa sa'kin lahat. Ang tanging gagawin mo na lang ay mahalin ako. Okay ba ‘yon?” ngumiti siya nang kaunti sa akin at tumango. Binuhat ko siya tapos dinala siya sa banyo. I made him sit on the counter top and took his toothbrush.
“Kaya ko na ‘yan,” gusto niyang kunin sa akin yung sipilyo niya pero nilayo ko ito sa kanya. Sinabi kong ako na ang magsisipilyo sa kanya dahil siya ang prinsipe ko at gusto ko siya pagsilbihan. While I’m brushing his teeth, I can feel his intent gaze on my face. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
“Huwag mo ko masyado titigan, baka lalo kang ma-inlove sa akin.” Inirapan niya ako kaya natawa ako nang kaunti. Pupunta kami ngayon sa ospital para sa check-up ni Gunther. Pag-uwi mamaya dito sa bahay ay naka handa na ang lahat para sa candlelight dinner namin. Nagpatulong ako kay Kuya Anson para magawa ko ang plano.
Sa byahe papunta sa ospital, napansin kong tahimik si Gunther. Tinanong ko kung anong iniisip niya at sinabi niyang natatakot na raw siyang pumunta ng ospital. Ayaw niya na raw magpunta ng ospital dahil hindi naman daw siya gumagaling. Siya raw dapat ang nagpapagaling ng pasyente at hindi siya ang pinapagaling.
Nang makausap namin si Doctor Suarez, sinabi niyang hindi daw tumatalab ang clinical trial na ginawa kay Gunther. Nakaasa na lang kami ngayon sa gamot para gumaling siya. Alam kong nalungkot si Gunther sa sinabi ni Doctor Suarez. Nalulungkot din ako. Pero ayaw ko magpakita na mahina ako. Ayokong panghinaan ng loob si Gunther kapag nakita niyang bumibigay na ako.
Tumawag ako sa telepono sa bahay para itanong kay Kuya Anson kung nakaayos na ba ang lahat para sa pinaplano kong candlelight dinner para kay Gunther. Nang maka siguro akong nasa ayos na ang lahat, bumyahe na kami pauwi.
“Ano ‘to?” tanong ni Gunther nang makita niya ang mga nakasinding kandila sa dining area. Naka dim ang ilaw at merong music mula sa turntable na galing pa sa lolo ko.
BINABASA MO ANG
Wishing On Dead Stars (BL)
Lãng mạnTaong 1997, may nagpakilala kay Tyler Tuazon na isang alien. Siya si Gunther Atienza, ang pinaka weirdo sa klase nila. Nagpapadala siya ng mensahe gamit ang morse code, nagsusuot siya ng neon-colored shirts at naniniwala siyang darating ang isang UF...