Chapter 9

127 15 2
                                    

Tyler




June 20, 1997

After we played at Dredd, sunod-sunod ang mga nag-invite sa amin para tumugtog. It's like for the first time, the universe transpired with me. Nasaktong napapansin ang banda matapos ang 4th year namin sa college.

Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin namin kung aattend kami ng graduation dahil sobrang busy namin. Gunther didn't want to attend but he will be there to give sunflowers to his cousin. After naming mg confess ni Gunther sa isa't-isa, inisip kong magiging malambing nalang siya sa'kin pero dahil nga mas kumportable siya sakin ngayon, mas madalas kami mag bangayan sa maliliit na bagay. Bukod pa don, mas close sila ni Brix at mas pumapayag si Kuya Thirdy na sumama sa amin si Gunther kapag si Brix ang nagpapaalam. He got disappointed with me after the incident at Brix' condo. Gunther already told him that it was all a misunderstanding.

Sa isang gig namin sa Anonas sa QC, pinakilala ni Brix si Gunther sa crowd bilang mascot at lucky charm ng After Apollo. Because of that, mas marami nang nakakakilala kay Gunther. Ewan ko ba dito, sobrang baba ng self-esteem niya, he doesn't know how adorable he is. Halong babae at lalaki ang pumapansin sa kanya kaya mas lalo akong naiirita. But who would not love Gunther? He has this pale and soft skin. His cheeks are puffy and his lips are pouty. Parang kapag tinititigan mo nalang siya, gusto mo siyang yakapin at bugbugin ng sangkatutak na halik.

"Stop. Huwag ka makulit."

Rorolyohan ko na lang ng mata si Gunther kapag pinabibitiw niya ko sa pagkakahawak sa kamay niya, katulad ngayon. Magkasama kami na nag go-grocery at gusto kong hawakan ang kamay niya.

"Bakit ba ayaw mo hawakan kamay ko?"

"Gusto ko. Pero baka may makakita tapos ano sabihin," matapos niya sabihin 'yon, naging tahimik ako at agad 'yon napansin ni Gunther. Nauuna siya sa paglalakad at nang makita niyang di ako sumusunod sa kanya, lumingon siya sa'kin tapos lumapit.

"Akala mo ba madali sa'kin yung hindi ko pwede hawakan kamay mo?" Wala, nadaan na naman ako sa pa cute niya.

Fine, hindi kami katulad ng ibang couple pero hindi ibig sabihin hahayaan kong ganun na lang. Hinila ko si Gunther sa department store tapos bumili kami ng matching shirts, shoes, at watch.

Bakit ba bawal ko hawakan ang kamay niya? Yung babae at lalaki, kahit maghalikan sa daan wala silang problema.

"Bakit ka na naman kumukuha ng neon shirts?" tanong ko.

"Alam mo naman, " ibinabalik ko lahat ng kinukuha ni Gunther na neon shirts. Itinulak ko siya papasok ng fitting room para isuot yung mga damit na pinili namin. 'Yong mga shirt na terno kami. Kahit gusto niya umangal, napilitan nalang siya pumasok. Kumatok ako ulit at nakasinghal siya nang buksan ang pinto. "What?"

"Hindi mo na kailangan mag neon shirts kapag kasama mo ako. Mahahanap kita kahit saan ka pa mapunta." Nawala yung simangot niya tapos sinara agad ang pinto. "Kunwari ka pa, kinilig ka lang."

Binili namin lahat ng pinili namin. Yuko ang ulo niya habang naglalakad kami pero natatawa nalang ako. Kung ayaw niya makipag holding hands, edi pareho na lang kami ng mga gamit. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala akong pakielam don.

"Akala ko ba di ka yuyuko kapag kasama ako?" bumulong ako sa kanya.

"Nakakahiya ka kasi," sabi niya tapos nagmadaling maglakad palayo.

Napailing ako at natawa sa kanya.

Sa parking lot, may tumawag kay Gunther mula sa likod. Pagkalingon namin, palapit na sa amin si Jaxon. Mukhang galing din siya ng mall dahil sa mga dala niyang paper bag.

Wishing On Dead Stars (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon