༆ FA 3 : GUARDIAN PET ༆

31 4 0
                                    

ATHENA POV:

minulat ko aking mata kaso bakit ganon puro puti na kikita ko hala ka nasa langit na ba ako wag naman kinapa kapa ko pa katawan ko okay naman nahahawakan ko pa naman ibig sabihin buhay pa ako .teka nasan na ba ako sa pagkakatanda ko na sa ceremony pa kami. umupo mona ako at tumingin tingin sa paligid wala naman tao pero pakiramdam ko may nakamasid sakin .

"may tao ba dyan"pagtatanong ko

ilang minuto na nakalipas pero wala naman nagsalita siguro pakiramdam ko lang yun kipit balikat na lang ako at tumayo na saka inayos yung hinigaan ko ng biglang humangin ng napakalamig napatigil ako sa pagaayos kasi ang weird naman na humangin ng sobrang lamig eh sarado mga bintana dito saka impossible din na galing sa pinto kahit na nakabukas ito kasi iba daloy ng hangin.

tumingin tingin ako sa paligid wala naman talagang tao hindi kaya may multo na dito hindi ko na nagawang ayusin ng ayos yung hinigaan ko at tumakbo na lang ako palabas ng pinto kahit hindi ko alam saan ba ako papunta basta takbo lang.

hanggang sa natigil ako sa isang garden dito wala na gaano mga building dito hala ka napasobra na ata ako kakatabok pwede na ba ako sumaling marathon charot.nagpahinga mona ako saglit dahil hingal na hingal na ako ikaw ba naman tumakbo sa wala eh tumingin ulit ako sa garden sa tapat ko may pinto ito na parang yelo as in ice nga at dahil nga dakilang marites ako tinignan ko kung naka lock ba baka kasi makapasok ako diba.

unti unti kung inikot yung door knob at ayun nga swerte hindi nakalock unti unti kung binuksan at namangha ako kasi lahat ng nasa loob ice as in mga puno,bulaklak gawa sa yelo pati lupa nito pero kitang kita pano nabubuhay ng masigla ang mga halaman nito dito.

naglibot libot lang ako at may nakita akong piano gawa sa yelo "woah"yan lang ang tanging na bigkas ko dahil sa pagkamangha lumapit ako sa piano at pinatugtug ito yes po opo marunong ako kasi sa dati kung school may kanya kanya kaming alam patugtugin na instrumento kahit isa lang dahil required samin yun .

habang nag papatugtug ako ng piano may biglang ihip na naman ng hangin sobrang lamig ito hala ito na naman yung lamig na naramdaman ko sa room kanina kaya na patayo ako ang tinignan na ang paligid.

pahakbang na sa ako para lumabas na dito ng biglang may sumolpot na maliit na wolf teka sya yung wolf na lagi kung nakikita sa hall way nung una kong punta dito.hinawakan ko sya at sobrang amo nito sakin

"ang cute mo naman"sambit ko dito habang nilalaro sya

"salamat"isang tinig na narinig ko kaya napatayo ako

"may tao ba dyan"tanong ko

"ako ako ako"ulit na saad nito kaya naman nag tingin tingin ulit ako sa paligid boses ng isang batang babae

"nandito ako sa harapan mo"saad nito ulit kaya naman tinignan ko kung sino nasa harapan ko.

"yung wolf lang naman pala nasa harapan ko"sambit ko

"hihihi"bungisnhis nito kaya naman napatingin ako ulit sa wolf impossibl sya ang nagsasalita wala na akong magawa kundi kausapin ko din baka kasi hindi sya ang kumakausap baka may tao talaga pinagtritripan ako.

"ahmm little white wolf ikaw ba ang nagsasalita"tinignan ko lang sya ng masinsinan pero nakatingin lang ito sakin "baliw na ata ako "bulong ko sa sarili ko at umiling iling pa.

"ako ako hihihi"saad nito kaya naman napalaki mata ko as in shook ako

"i-ikaw ba talaga nag sasalita"utal na saad ko

"ako ako nga ako nga pala si zariah "sabay takbo nito paikot

"teka teka pano ka nakakpagsalita aber"pagtatanong ko saka umupo para kasi ang liit nya talaga.

"ako ay isang guardian pet naghahanap ako ng isang master na pangangalagaan ko"saad nito sabay higa aww ang cute .

"may nahanap kana ba"pagtatanong kosa kanya kaya napaupo sya ang cute ng wolf na to nanggigigil ako.

"ikaw ikaw ikaw hihihi "excited na sambit ito sabay tayo at pumunta sa lap ko at humiga ito .

"bakit ako ang napili mo"pagtatanong ko habang nakatingin sa kanya na nahiga parin sa lap ko.

"kasi...kasi ramdam ko kung ano kakayahan na meron ka at handa rin ako protektahan ka"sambit nya

Napatingin naman ako sa suot ko na kwentas at hinubad ito sinabi sakin na wag na wag ko to huhubarin pero kulay puti pa rin ito wala syang kulay tulad ng iba. Tama ba na para ako sa mundo na to.

"Kaso mukhang wala naman akong kakayahan tulad ng mga sinasabi nyo"sambit ko

Bigla naman tumayo si zariah at umalis sa lap ko umupo sya sa tapat ko at laging gulat ko biglang lumiwanag ito .maya maya lng ay nawala din ang pagkaliwanang nito at nakita ang isang batang babae naka puting dress ito at may tenga ito ng isang fox saka buntot din lalo syang naging cute .

"Woah may kakayahan ka mag palit anyo"sambit ko at tumango sya saka ngumiti lumapit ito sakin at sinuot ulit sakin ang kwentas .hinawakan nya kamay ko at biglang lumiwanag na naman ang paligid .

"Matiwala ka sa kakayahan na binigay sayo nandito lang ako lagi para gabayan ka "sambit nito

Unti unting humupa ang liwanag kasabay ng pagilaw ng kwentas ko nagkakukay ito at ang uniform ko nag kakulay din kulay blue .

"Zariah"sigaw ko kasi nawala sya sa harapan ko tanging flute na maliit lng ang nasa kamay ko ngayun .

"Eh para saan naman to"pagtataka ko kasi sapagkakatanda ko wala naman akong hawak kanina na ganito .

"Bagohan ka lang pero may guardian flute kana, sino ka ba talaga"

Nagulat ako ng biglang may nagsalita tumayo ako at hinanap ko kung saan galing yun.

"Sagotin moko sino ka ba talaga"pagtatanong ulit nito

Nakita ko syang nakasandal sa puno teka sya yung lalaking naka mask na sumalo sakin bago ako himatayin.

"Athena saffi po"sagot ko

"Tsk"malamig na sambit nito

Ay hala nagalit diba nagtatanong sya kung sino ako sinagot ko lang naman ano mali doon .

"Bihira lang sa isang studyante ang magkaroon ng guardian pet kung hindi ka pa sanay sa magi mo kitang kita sayo na wala ka pang alam sa lahat ng bagay na meron sa sarili mo pero wag ka magalala malalaman ko din kung sino ka ba talaga basta tulongan mo sarili mo kontrolin ang kakayahan na meron ka "malamig na paliwanag nya saka umalis .

"Jusme ang lamig ng ugali ni kuya "bulong ko saka umalis na din.

Napagpasyahan ko na bumalik na lang ng dorm kasi hindi ko na talaga kaya mga nangyari ngayung araw daming ganap eh.pagkapasok ko pa lang sa dorm namin nakita kona sila kaye,ven,kyla,ayla,raven sa sala mga mukhang binagsakan ng langit at lupa ah .

"Ano meron bakit ganyang nga mukha nyo"pagtatanong ko.nagulat ako ng bigla akong niyakap ni kaye .

"Nagalala kami ng sobra sayo"mangiyak iyak na sambit ni kaye. Hala ilang oras lang ba akong nawala

"Okay lang ako "sagot ko

"Hindi ka namin pwede bantayan sa healing division kasi pinapasok na nila lahat ng studyante sa kanya kanyang dorm sorry athena"sambit ni kyla naka nguso pa ito bat ang cute din ng bata na to.

"1st Division"singit na sabi ni ayla

"Hala oo nga"gulat na sabat ni ven nakatingim sakin pati sa kwentas ko.

"Bakit?"pagtatanong ko wala naman umimik sakanila

" Tara masitulog na tayo may pasok pa bukas kailangan ko mag paganda "sambit ni raven

"Kala mo naman maganda "mimik ni ven kaya napatawa kami saka sumunod na din nakakapagod tong araw na to.


Ps....
yung picture pala nasa taas sya si zariah ang little white wolf na guardian pet ang cute talaga pati ako nangigigil eh .



Frorestial Academy : Paaralan ng Mahika (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon