༄ PROLOGUE ༄

86 5 0
                                    

ANG SIMULA...

"Apo,gusto mo bang magkwento si lola?"nakangiting turan nya .

"Opo,Opo "bibong tugon ko.

lumapit ako kay lola at saka sya nagkwento tungkol sa pitong kaharian na pinamumunuan ng kanya kanyang hari at reyna .ang pitong kaharian ay sakop ng bayan na tinatawag na frorestial .ang pitong kaharian ay payapang namumuhay sa kani-kanilang kakayahan at paniniwala .ngunit ang isang kaharian ay sobrang sakim na gusto pagmunuan ang ibang kahiraan dahil dito namuo ang isang hindi inaasahang madugong digmaan..

"lola ..lola bakit po kayo huminto sa pagkwekwento "nagtatakang tanong ko.

"Mina..!'sigaw ni lola na parang may nakita sya na kung ano ...may namumuong takot na bakas sa kanyang mukha..bilang lumapit ni tita aurora samin at kinuha ako

"umalis na kayo nandyan na sila..siguradohing mong ligtas si athena mula sa kanila"tugon ni lola kay tita mina..

"hindi pwedeng iwan ka namin dito "pagalalang turan ni tita kay lola.

"umalis na kayo iligtas nyo sarili nyo"sigaw ni lola ng biglang may kung anong nag sipasukan sa loob ng bahay namin ..nag tago kami ni tita sa may likod ng pinto...kitang kita ko kung pano pahirapan ng mga kaitim na tao si lola..

"tita...si lola..pano si lola.."sambit ko

"lola..."sigaw ko bago ako mawalan ng malay..

"apo..apo...pakatatag ka.."

"apo magkikita ulit tayo.."

"apo...apo nagsisimula palang "

"LOLA!!!"malakas na sigaw ko napabalikwas ako ng bangon sa higaan ko ,may tumutulo saking mga pawis,teka sino sila ..hindi ko matandaang may lola ako..sino sya sino sila..bakit nandoon ako pati si tita.sino ba sila..araw araw ko na lng ba papanaginip yun ..ano ba meron doon..

"sino ba sila...asar!.."bulong ko sa sarili ko

"Athena..gising na ..bumangon kana dyan"rinig kung tawag ni tita..tumingin ako sa paligid ko ..may sumilaw saking sikat ng araw mula sa bintana ng kwato ko..tumayo ako saka inayus ang higaan saka pumutang c.r para maghilamos saka magmumog at maligo..

pagtapos ko ayusin sarili ko saka ako lumabas ng kwarto at bumaba para pumuntang kusina..

nakita ko si tita na nag luluto ng umagahan ..pumunta ako sa ref para kumuha ng juice at inilagay sa baso saka umupo at kumuha ng tinapay saka palaman na butter..

kakain na sana ako ng napansin kung nakatingin sakin si tita..aba.. parang alam ko yang ganyang tinginan ahh..

one..

two..

three..

four..

five..

at handa ...awitt..

"ATHENA! nagpuyat ka na naman ba, kita mo nga yang eyebags mo ang laki na ..puyat ka ng puyat ..bakit may boyfriend kana ba!?"paninimula nya..

sabi na nga ba kumakanta na naman sya ng sermon sakin kaaga aga ano pa napuna nya nanahimik akong kakain na tapos pinakain nya din ako ng almosal na sermon nya..ano ba problema ni tita sa eyebags ko eh ...saka ano daw boyfriend..wala ngang mahanap na pwede jowain eh..kakainin na nga lng ako nag iimagine na naman si tita ..

"ano hindi ka makasagot kasi may boyfriend kana..naku naman athena nagaaral kapa..pero bakit hindi mo man lang sinabi o pinakilala sakin para masuri ko naman kung mabakit,gwapo,maginoo,matipuno"natutuwang sambit nya

bigla akong nasamid ng walang sa oras ..WHATTT..teka ano daw ..processing pa sa utak ko sinabi like napanganga ako ng wala sa oras..epekto ng kaka k-drama nya araw araw ..

"wala akong boyfriend ..PERIOD!"diniinan ko talaga ang salitang period para dama diba..

napatigil sya kakatalon nya yung ngiti nya kanina napalitan ng lungkot..nabaliw na sya ..dapat sya ang mag ka jowa ..kasi kung hindi nya mahanap si Mr.Right ..pfttttt tatanda syang dalaga..

tinuloy ko ang pagkain ng ..almusal ..umupo na din si tita at kumain..tahimik lang kami nakain..

"mag 18 kana pala"paninimulang sambit nya..

"opo..pero sa next next month pa po yun ..tagal pa"sagot ko

"hindi na matagal yun mabilis lang ang araw....tignan mo parang kakapasko lng tapos hindi mo mamalayang pasko na ulit"sagot nya...

kung sa bagay tama si tita ...ang bilis ng araw ...na parang hindi mo na din na mamalayan dahil sa araw araw na paulit ulit na ginagawa ng tao..

"ililipat na kita ng school"seryosong sambit ni tita

"pero tita okay naman ako sa school ko ngayun bakit nyo pa ako ililipat kung kaylan patapos na ang year gragraduate na ako ng grade 12"sambit ko

"walang pero o but athena kailangan na kita ilipat para din sayo yun at sa kakayahang meron ka"pagkatapos nyang sabihin yun sakin tumayo sya saka naglakad papuntang kusina..

"nga pala athena mag ayus kana iempake mona lahat ng gamit mo magdodoorm ka doon sa bagong school ,nagpaalam na din ako sa principal at mga guro mo na lilipat kana..dali na tayo na dyan at maggayak kana..aalis na tayo mayamaya lang"huli nyang sambit sakin..

ako naman umakyat sa taas at pumuntang kwarto ko saka nag ayus ng mga gamit ko..bakit biglaan ata tong gusto ni tita..ano bang meron at anong kakayahan meron ako?..

"apo nagsisimula na ang lahat ..pakatatag ka apo.."...

"sino yan... "sambit ko parang may narinig akong bulong mula sa tenga ko kaso..wala naman tao sa kwarto ko kundi ako lang...sino ka ba talaga...bakit moko tinatawag na apo..sino ka..

Frorestial Academy : Paaralan ng Mahika (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon