༆ FA 18.2 : MISSION ༆

5 2 0
                                    

Ilang minuto na nakakalipas nakatitigan lang kami ng kalaban ko para kaming nagpapakiramdam kung sino unang magaatake. maya maya pa ay may nararamdaman ako sa kinatatayuan ko para syang nag kacrack nagulat ako na may lumabas na vines sa lupa at pinalupotan ako nito.

"Hahaha silly little girl"tawang sabi nya .

Nagpupumiglas ako dahil mahigpit na ng pahigpit ang pumupulupot sakin.

"Girl wala ka ng magagawa sakin ang panalo hahaha"halaghak nyang tawa.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang halaman na pumupulot sakin at naging yelo ito, gusto mo ng laban pwes pagbibigyan kita. nang makaalis ako sa ginawa nya agad ko sya pinaulanan ng mga ice spikes.

"What the hell!" rinig kung unos nito.

Hindi pa sya nakakareact ay pinaulanan ko ulit sya isang malaking pagsabog ang lumikha non .

"Inuubos mo pasensya ko babae ka!!"sigaw nya sya naman nagpalunan ng mga batong malalaki, agad naman ako nakaiwas at gumawa ng harang. ewan ko parang may galit ata sakin tong kalaban ko na to sabi friendly combat pero bakit ganito para akong papatayin eh, tanging pagiwas lang ginawa ko sa pagatake nya,
Sige lang magatake ka lang papagorin mona kita.

"ANO PURO TAGO NA LANG GAGAWIN MO !!"galit na sigaw nya .

Nagpaulan ulit ito ng malalaking bitak ng lupa, pero tulad ng kanina umiwas lang ako puro usok na ang paligid dahil sa pagpagatake nya ng ganon, hindi ba sya napapagod kasi ako pagod na.

Nilabas ko ang spiritual weapon ko, taposin na natin to siguradohin kung ako ang panalo. napangisi ako kasabay non ang pagpapaulan ng ice spikes at palaso sa direction nya alam kung maiiwasan nya to pero iba intensyon ko. sobrang dumami usok sa paligid namin at kumapal din ito.

"Arhggg ugh ayoko na makipaglaro sayo letche kang babae ka!!"sigaw nya kasabay non ang pagatake nya pero dahil alam kung hirap sya makita ako dahil sa usok ginawa ko tong advantage para makapunta sa likod nya.

Tahimik akong umikot sa gilid nya dahil alam kung ang atensyon nya ay sa harap lang. nang nawala ang usok ay aatake na sana sya pero hindi nya ako mahanap sa harapan. Unti unti itong humarap sa likod at parang nakakita ng multo dahil sa takot nito dahil nakatutok na pana ko sa likod nya.

"Checkmate"ngising sambit ko tinaas nya kamay nya na parang sumusuko na sya.

"Athena Saffi wins the combat test, congratulations"sambit ng prof. kanina.

Kinuha ko sa kamay nya ang badge at umalis na doon. Nagawa ko puro daldal kasi inatupag nong kalaban ko puro galit ata nasa loob non grabe parang mangangain ng tao eh.

Palakad na ako pabalik kila kaye pero napasin ko isang tao nakasandal sa dulo nakatingin ito sakin at nakangiti. Napasin ko umawang ang bibig nito at parang may sinasabi .

"Con-grats??"basa ko base sa galaw ng bibig nya ngumiti ito at umalis na .

"Ehh baliw talaga yung olaf na yun"bumalik na ako kila kaye at bigla nila ako niyakap.

"Congratulations athena ang galing mo kanina"sambit ni kaye sakin habang nakayakap ito sakin.

"Ang galing mo nautakan mo si Cassandra "ngising sabi ni ven, oo nga pala makadivision pala silang dalawa.

"Duh mukhang wala naman utak yung kalaban mo puro daldal inatupag eh well congrats athena the best"papuri ni raven.

"Congrats girls"

Napalingon kami sa nagsalita yung mga kaibigan lang pala ni jack. lahat din sila may badge ibig sabihin nanalo din sila, well hindi na ako magtataka mga princes yan eh.

Frorestial Academy : Paaralan ng Mahika (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon