ATHENA POV
Halos dalawang araw na din matapos yung nangyari sa garden pero lagi na lang akong nanaginip ng mga ganong tao ...teka tao ba talaga yun kasi sobrang nakakatakot .sino kaya sila tapos idagdag mo pa yung lalaki na yun pano nya kaya nalamang hindi ako galing sa mundo na to..
"Athena"
"Athena!" sigaw ni ven sakin
"Ba-bakit?"nawala pagiisip isip ko ng tinawag ako ni ven
"Ayos ka lang ba kanina ka pa namin tinatawag pero nakatulala ka lang dyan"saad nya
"Ayos lang ako inaantok lang"pagsisinungaling ko
"Sigurado ka ba?"tanong ni kaye sakin kaya tumango naman ako saka ngumiti hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila ang nangyari sakin kasi alam kung magaalala lang sila lalo.
"Good Morning class "bati ni Prof. Snape samin na bagong pasok sa room
"Good Morning Prof. Snape"bati namin saka umupo na sama sama pala lahat ng division dito kasi pare prehas lang naman kami ng sub subject kaya pinagsama na lahat malaki naman tong room na parang garden kasi napapalibutan ng mga halaman at puno kasya naman kaming lahat may nga upuan sya na parang pahagdan.
"Bago mag simula ang ating aralin sino nakakaalam sa inyo kung ano nga ba ang craft and potion na sub subject nyo ngayun"paninimulang tanong ni prof samin
Agad naman tumaas ng kamay si ayla ..as in taas kung taas .
"Mr.Firth"tawag ni prof.
Kaya naman nagsitilian lahat ng babae kaya patingin ako kung sino yun nakataas din sya ng kamay naka salamin ito matangkad sya ,matangos ,black buhok nya pero may highlight ito na white sa gilid bagay sa kanya ganong hair style... tumayo ito at ngumisi .
"Craft and potion o sa madaling sabi potion crafting o ang iba tinawag itong magic potion ginagamitan ito ng mga sangkap ngunit kailangan naayon ito nais mong gawin halimbawa nito ang healing potion and love potion" tumigil sya sa pagsasalita at napansin kung tumingin ito kay ayla saka ngumisi saka humarap ulit sa unahan.
"Kailangan din maging maingat sa paglagay ng sangkap at paghalo nito and read the steps " pagpapatuloy nya.
"Great job Mr.Firth" pagpupuri sa kanya ni professor snape.
"Try again Ms. Hurley"saad nito saka ngumiti kay ayla at umupo na.
Binaba naman ni ayla yung taas nyang kamay saka padabog na binuklat yung libro.
"Ang talino nya talaga"puri ng mga babae sa harapan namin .
"Mayabang"bulong nya pero dahil katabi ko sya rinig na rinig ko yun.
"Now group your self into 6 member and create any potion in your book just be careful students" saad ni prof snape snap her fingers kaya lumitaw ang mga Ingredients saka mga cauldron sa harapan .
"30 minutes will be given"dagdag nya saka nag observe na sa ilang students na gagawa .
"Sakto anim tayo"masayang sambit ni kaye .
"Ano gagawin nating potion"pagtatanong ni ven.
Agad ko naman binuklat yung libro ko at tumingin na din ng mga pwedeng gawin.
"Wala bang madaling gawin dito"pagrereklamo ni raven habang tumitingin din sa libro nya.
"Bruha hindi lahat ng bagay madaling gawin"saad ni ven.
"Che!"pagtataray ni raven
"Kung gusto nyong madaling gawin ito na lang "nilapag ni ayla yung libro sabay turo sa pahina.
BINABASA MO ANG
Frorestial Academy : Paaralan ng Mahika (UNDER EDITING)
Fantasia༄ Isang batang babae makakapasok sa isang paaralan na hindi nya lubos paniwalaan na ito ay sobrang hiwaga at kakaiba ngunit hindi lang ito ang malalaman nya sa mundong hirap paniwalaan maaari kayang doon talaga sya pinanganak at sya ang nawawalang s...