ATHENA POV
Nandito ako ngayun papunta ng silid aklatan hindi parin ako makapaniwala na nagawa ko yun oo na hindi ako maka get over pero mahalaga ay nagawa ko parin saka gutom na ako ang sabi kasi nila kaye kanina sa silid aklatan na lang kami mag kita saka sabay sabay na kakain nakakahiya naman kung mauna ako kumain edi nasabihan pa akong patay gutom.
Alam ko naman kung saan banda ang silid aklatan dito dahil naglibot libot na ako kanina talagang tinandaan ko lahat ng pasikot sikot dito dahil para hindi ako maligaw ligaw.
Nangmakarating na ako agad akong pumasok at hinanap sila .
"Athena"rinig ko tawag sakin lumingon ako at nakita ko sila na naka upo sa dulo agad naman ako pumunta.
"Upo ka mona dito athena hinihintay pa kasi si ayla may kukuning libro "sambit ni kaye sakin agad naman ako umupo sa tabi ni ven at katapat namin sa kabilang upuan ay sila kyla,kaye,raven.
"Nagugutom na ako"naka ngusong reklamo ni kyla ang cute talaga ng bata na to pero maski ako nagugutom na din nagwawala na nga ata alaga ko sa tyan eh haha joke lang.
"Ano ba kasing gagawin ni ayla sa libong hinahanap nya"pagrereklamo ni raven na naka crossarm na halatang naiinip na din sya.
"Malamang babasahin alangan naman kainin nya yun diba"sabat na turan ni ven ..nako ayan na naman po sila hindi talaga matatapos ang araw ng hindi sila nagaaway at nagbabangayan .
" HA - HA- HA Funny!" pekeng tawa ni raven sabay irap kay ven pero mapangasar lang na tawa ang ginawa ni ven.
"Oh tama na--"hindi na natapos ni kaye sasabihin nya ng biglang binagsak ni ayla ang sandamakmak na libro sa lamesa namin.
"Kalma ka lang ayla ah wala ka naman sigurong galit sa lamesa pati sa libro no"sambit ni ven pati kasi ako napanganga sa dami ng libro nilagay nya sa lamesa ano yan lahat babasahin nya grabe .
"Wala pero sa isang tao meron"sabat nya saka umupo ng padabog saka bumuklat ng isang libro. ano nangyari bakit ata masama timpla nito tanghaling tapat mainit ulo.
"Pst"sambit ko at tumingin naman sakin sila kaye nag senyas lang ako kung bakit mainit ulo nito baka kasi sakin pa magalit tong si ayla kapag nagtanong ako .
"Hindi ko din alam"pabulong na turan ni kaye .maski din pala sila wala rin alam sa nangyayari sa isang to.
"Ahmm guys kain kaya mona tayo baka gutom lang yan"pagbasag ng katahimik ni ven .buti na lang talaga nagsalita si ven kasi halos dalawang minuto na kaming walang imik imik.
"Yehey gutom na talaga ako"masayang sambit ni kyla .
Sumangayon naman kami dahil gutom na talaga ako at hindi ko na kaya para atang hihilo na ako sa gutom eh.
Tumayo na kami pero si ayla nagbabasa parin."Mauna na kayo busog pa naman ako"sambit ni ayla.
"Sige basta kumain ka mamaya ate ah"sambit ni kyla ramdam ko pagaalala nya sa kakambal nya ang saya siguro kapag may kapatid.
Lumabas na kami saka at papunta na kaming canteen para kumain...sumunod lang ako sa kanila dahil hindi ako pamilyar sa dinadaan nila alam ko wala naman akong nadaan na ganito nung naglibot libot ako..ahmm meron ba o wala o baka hindi ko lang nakita ..ay basta ulyanin na lola nyo charr..gutom lang yan..
Nangmakarating na kami nagulat ako dahil ang laki ng pinto hindi naman kasi ganto ang tipikal na canteen na alam ko .. Pumasok na sila at sumunod ako "woah" yan lang ang nasabi ko kasi kakaiba talaga may tatlo na lamesa at sobrang haba nila mula unahan hanggang dulo tapos yung upuan ganon din ..
Nakahanap na kami ng uupuan may lumapit samin mga pixie may dala dala silang plato at kutsara,tinidor at baso qng cute lang kasi teamwork talaga silang dahil ito samin ng ililapag na nila ang dala nila yung plato na walang laman nagkaroon pati yung baso nagkaroon din ng laman..
BINABASA MO ANG
Frorestial Academy : Paaralan ng Mahika (UNDER EDITING)
Fantasy༄ Isang batang babae makakapasok sa isang paaralan na hindi nya lubos paniwalaan na ito ay sobrang hiwaga at kakaiba ngunit hindi lang ito ang malalaman nya sa mundong hirap paniwalaan maaari kayang doon talaga sya pinanganak at sya ang nawawalang s...