ATHENA POV
"Athena...anak "
Isang tinig ang narinig ko mula sa malayo kaya tinigan ko ito ang layo nya sa kinaroroonan ko para syang nasa puting liwanag hindi ko maaninag ang mukha nya .
"sino ka"pagtatanong ko dito
"anak"isa pang tinig ang narinig ko tumingin ako sa kabilang side at may nakatayo din doon na babae kaso yung awra ng paligid ay ang dilim katulad ng isa hindi ko din maaninag yung mukha nya.
"anak ako to"sambit nilang dalawa
"anak"papalapit sila ng papalapit sa kinaroroonan ko
"sino ba kayo"pagtatanong pero papalapit lang sila ng papalapit sakin
"wag kayong lalapit"sigaw ko pero patuloy parin sila hanggang sa nawala yung liwanag at nabalotan ito ng dilim na babae pinipilit nyang kunin ang kwentas ko .
"mamatay ka kasama ako anak "tawang nakakaloko nya akmang sasakalin ako
"wag!!!"sigaw ko pagtapos non ay napabangon akong pawisan panaginip lang pala bakit parang totoo.sino sya.
"ahmm athena okay ka lang "pagtatanong ni ven sakin tumango naman ako bilang pagasagot sa tanong nya .
tumayo ako at nag pasyahang kumuha ng tubig sa kusina hindi ko lubos maisip na magkakapanaginip ako ng ganon nakakatakot .kumuha ako ng baso saka nilagyan ito ng tubig at umupo sa sofa .
"athena sigurado ka bang okay ka lang"sambit ni ven na kakalabas lang ng kwarto na halatang inaantok pa.
"okay lang ako may masama lang na napaginipan"sambit ko at lumapit naman sya sakin at tumabi sa kinauupoan ko
"sigurado ka kasi bigla ka na lang simigaw eh akala ko kung napano kana"sambit nya
tumango ako saka ngumiti sa kanya tinignan nya din ako na parang scan nya mona kung okay ba talaga ako saka napabuntong hininga at tumayo sya saka naglakad papuntang kwarto.
"matulog kana din ulit may pasok pa mamaya"sambit nito saka pumasok ng kwarto.
feeling ko hindi naman ako makakatulog nito kapag kasi nagising ako hirap na ako matulog ulit saka natakot na ako baka mapaginipan ko na naman yun ang creepy talaga tinignan ko yung oras, tatlong oras na naman na eh bago magpasokan kaya napagpasyahan ko na maligo at mag suot na ng unifrom balak ko din libotin mona siguro tong school madami pa akong hindi pa nakikita dito eh baka kasi hindi ko na din magawa dahil may pasok nga mamaya.
Nangnaayus kona sarili ko sumilip mona ako saglit sa kwarto para tignan kung mga tulog parin sila , napangiti naman ako kasi ang hihimbing ng tulog ng nga to dumaretso na palabas ng pinto , sinarado kona dahan dahan yung pinto para hindi makalikha ng ingay .
"Okay ka lang"
"Ay jusmeyo marimar"napatingin ako sa kanya nakasandal sya wall at naka cross arm pa nakatingin ito sakin ng seryoso .
"Jusme aatakihin ako sayo ng wala sa oras pwede kuya wag ka manggulat"sambit ko dito kung sino sya , sya lang naman yung lalaking cold kung magsalita ,opo yes po sya yung lalaking naka mask pa mysterious masyado ang kuya nyo.
"Tsk Okay ka lang ba"seryosong tono ng pananalita nya
"Hello kaharap moko ngayun diba so okay lang ako"pilosopong sagot ko na ikinairap ng mata nya, bakla ba to .
Iniwan ko na sya doon kaso yung loko sumusunod sakin ano ba problema nito sakin. Tumigil ako at hinarap ko sya.
"Bakit ka ba sunod ng sunod ano ba problema mo sakin"pagtatanong ko sa kanya na kinataas naman ng kilay nya , sabi ko na bakla to eh daig pa babae makataray eh.
BINABASA MO ANG
Frorestial Academy : Paaralan ng Mahika (UNDER EDITING)
Fantasía༄ Isang batang babae makakapasok sa isang paaralan na hindi nya lubos paniwalaan na ito ay sobrang hiwaga at kakaiba ngunit hindi lang ito ang malalaman nya sa mundong hirap paniwalaan maaari kayang doon talaga sya pinanganak at sya ang nawawalang s...